- ( Love Yourself first… no one will love you truly if you don’t know how to value and love yourself)
Siguro ngayon masasabi mo na broken ka, na parang walang ikaw kung walang sya, alam mo minsan ang isang tao hindi nawawala dahil may mahal silang iba o nangangaliwa na, minsan may mga taong nawawala dahil din mismo sayo, baka dahil sa sobrang pagmamahal mo sa kanya nakalimutan mong mahalin ang sarili mo. Minsan nawawala yung pagmamahal nya sayo kasi siya hindi nya na alam kung pano ka mamahalin dahil ikaw mismo hindi mo na mahal ang sarili mo… Sa pagmamahal hindi masamang madagdagan pero wag mong babawasan… hindi masamang magmahal ka ng iba basta alam mong may natitira pa…
May natitira pa para pagnawala sya makapagumpisa ka muling mag isa…
May natitira pa para mabuo mo ulit ang dating nawala at nasira…
Wag mong kakalimutan mahalin ang sarili mo dahil walang magmamahal sayo ng totoo kung hindi ka marunong magpahalaga sa sarili mo. J