Hi, ako si Nikcholas labing dalawang taong gulang. Lumaki akong wala nang magulang kinupkop ako ng aking mga tiyahin ngunit di maganda ang trato nila sakin ginawa nila akong alipin. Gumigising ako ng alas tres ng madaling araw upang maghanda ng kakainin ng aking mga tiyahin dahil pag ako'y nahuhuli ng gising di nila ako binibigyan ng kakainin at di nila ako pina tutulog sa loob ng bahay.
Kaya lumayas ako dahil sobra akong nahihirapan, di padin madali para sakin dahil wala naman pangkain at matutuluyan kaya minabuti kong magnakaw ngayon lang ako makakapag nakaw para din naman sakin to.
Nandito ako ngayon sa estasyon ng bus madaming tao. Kasama ko ngayon ang nakilala kong bata halos kading edad ko lang din madaming tao dito napwede namin manakawan.
"Oy nikcholas! Yung plano alam mo na ha."
"Oo, alam ko!"Naglalakad lakad kami ng may makita kaming bag na naka lapag sa upuan kaya unti unti naming nilapitan yun.
"Nikcholas! Dun ka dito ako!
"Sige."Palihim naming dinikitan ang bag at agad namin tong kinuha. Nakita kami ng aleng may-ari ng bag.
"MAGNANAKAW! MAGNANAKAW!"
Sabay turo nito samin, nakita kami ng pulis at agad kaming kinabol wala kaming ginawa kundi tumakbo ng tumakbo pumasok kami sa isang iskinita. Pero mag pader na dito at imposibleng makatakas kami.
Nahuli kami ng mga pulis. At walang sinuman ang maaaring mag piyansa sakin. Ang hirap lumaki ng walang magulang at dika nakapagaral dahil walang magdidisiplina at magaalaga.
BINABASA MO ANG
DAGLI
RandomKwentong binubuo lamang ng isang daang salita hanggang tatlong daang salita, walang panimula o wakas.