***ONE-SHOT***

43 3 0
                                    

*PLAY REGINA SPEKTOR'S THE CALL FOR MORE 'FEELS'*

It started out as a feeling

Which then grew into a hope

Which then turn into a quiet thought

Which then turn into a quiet world.

Heto ako, nakaupo sa hagdan, kung saan ko siya unang nakita. Naalala ko pa nun. 1st year high school. Sabog lahat kami nang mga kasama ko bumaba dahil uwian. Titig na titig ako sa likod ni Louis. Nang biglang lumingon sa akin si Rye. Nako, makatitig naman 'to -,- Pero ang weird kasi biglang may sparks?

Bigla kong nakalimutan na may gusto nga pala ako kay Louis. Ewan ko. Pero wala din naman akong gusto kay Rye. Pero di ko talaga alam hahahaha.

Hanggang sa nilapitan ako ni Rye, isang beses, nung recess, nagpalibre bigla, kaadikan sa buhay eh no -,- Nagpakwento pa nga siya tungkol kay Sandy na seatmate ko eh. Nakoooo, tsismoso talaga -,-

Mula noon, may kakaiba na akong naramdaman. Lagi ko na rin siyang inaapproach. Minsan ako una kumausap sa kaniya, minsan siya lumalapit. Basta, feeling ko, may connection na nabuo sa aming dalawa.

Hanggang sa isang araw. Nalaman ko, may gusto pala siya kay Sandy. Pero wala, hindi ako nagalit. Ano naman diba? Alangang awayin ko ung tao dahil lang sa lalake. Di ako ganung tao =3=

2nd year high school. Mas lalo pa kaming naging close ni Rye. Yung mga nagugustuhan niyang mga bagay, yung iba nagugustuhan ko na din. Di ko alam kung bakit pero ang sabog sabog ko pag kausap ko siya. Yung ako talaga. Yung hindi ko na siya iimpress pa. Hanggang sa namamalayan ko, wala na pala akong gusto kay Louis. =))

February 12. Nasa may corridor kami. It happened na nagpabili siya ng birthday card para sa mama niya, birthday daw kasi ng mama niya nung araw na yun. Tas inabot ko sa kanya un na nakabalot pa sa plastic ng National Book Store, na color red. At nagawan iyon ng issue.

Tapos ang masaya, may narinig ako na "ang landi naman niyan e, binigyan pa si Rye ng Valentine's card. Siya pa nanligaw, tss,"  --  "oo nga e, eh ang alam ko nga, ayaw naman diyan ni Rye. Ayaw niyang nagugustuhan siya ng babaeng yan,"

Baka po plastic un ng National Book Store, atsaka baka po di pa Valentines? =3=

3rd year high school. Unti unti kong nakalimutan yung mga nangyari nung valentine's. Kung iisipin, di naman talaga ganun kagwapo si Rye. Sabog na buhok, sabog na kilay, sabog na ilong, pero ang ganda ng mata niya. May sparks, 23000 watts JK.

Noong 3rd year ko ginawa ang pinakasabog na pwede kong gawin, ang magtapat sa kanya. Naalala ko pa mga nangyari nun.

"Rye, ano kasi, may sasabihin kasi ako sa'yo, wag ka sana lumayo"

"Ano ba yun? Imba neto, bat naman ako lalayo? Saka, bakit ganyan ka ngayon, ang hinhin mo ah! Eh sabog ka diba? Hahahahaha"

"Ano ba naman yan eee! Seryoso ako!"

"Oh sige, ano ba un?"

"Kasi, may gusto kase ako sa'yo,"

...

"Naiintindihan ko kung lalayo ka, alam ko awkward, sige okay na, bye."

Nag-walk out na ako. Wala siyang response. Tumalikod na rin siya, at umuwi na. Ganun din ginawa ko. Sabi nila "First love is painful. But unrequited love is heartbreaking," Eh pano kung ung first love ko, unrequited love? <////3

4th year, 1st year college, 2nd year, 3rd year, 4th year, wala. Puro aral. Di na ulit ako nagpafall. Di na rin kami nakapag-usap muli mula nung nagtapat ako. Iniwasan ko na siya e. Pero hanggang ngayon, alam ko, na oo, may gusto pa rin ako sa kanya. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 18, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

No Need To Say GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon