Amber's POV
"Good Morning Ms. Reyes" ang bati namin sa adviser namin na kapapasok lang ng room after magexcuse sa English teacher namin at sinabing may imortant announcement daw siya.
"Okay. Take your seats... So gusto ko lang kayong iinform na may bago kayong kaklase na papasok na bukas. " sabi ni Ms. Reyes kaya napuno ng bulong-bulongan ang classroom.
"New classmate?"
"kakasabi lang dba?"
"Sana gwapo"
"May sinabi bang lalaki? Malay mo babae."
"Ewan ko sayo. Hmph"
"okay class... Settle down. He is a guy and---" naputol ang sasabihin ni Ms. Reyes nang biglang nagsitilian ang mga babae.
"KYAAAAAA!!"
"O-M-G"
"Sana gwapo!!"
"Sana hot"
"Oh My Geeeeeeeeee!!!"
"Girls, girls. Calm down. His name is Philip and Ms. Ocampo as the president of this class ay sayo siya tatabi tutal wala naman nang nakaupo diyan since last month. So class blah blah blah blah...."
Why me again??? Ang hirap namang maging presidente ng class na to. Parating nauutusan eh... Tumingin ako sa mga kakalase ko at ang mga boys? Mga nakabusangot dahil ang iingay ng girls. At ang girls naman? Ung iba nakikinig kay ms. Ung iba nag-uusap tungkol kay Philip. At yung iba ansama ng tingin sa akin at saka ako iirapan. Problema nila??
Btw, my name is Amber Rose Ocampo, Am for short.
"Is everything clear class?" tanong ni Ms. sa klase
"Yes Ms." ang sagot naman namin
"Ms. Ocampo, you are going to help him blah blah blah blah.." tss...
"Are you alright with that?"
"Yes Ms." I said smiling. As if I have a choice diba?
"ok class so be nice to him blah blah blah" mga huling habilin ni Ms. bago magring ang bell hudyat na tapos na ang klase.
"So Good bye class. Sorry Ms. Evangelista for the interruption." sabi ni Ms. Reyes na agad ding lumabas ng aming classroom.
"Goodbye and thank you class." ang pagpapaalam naman n Ms. Evangelista
"Thank you and goodbye Ms. " yan ang sabi ng mga kaklase ko na hindi na itinuloy ang pagbanggit sa pangalan ng teacher.
---
LUNCH BREAK na at muli na namang makukumpleto ang tropa. Tuwing recess kasi ay may kaniya kaniya kaming pinagkakaabalahan kaya lunch lang ang time na magkakasama kami.
"Amber Rose Ocampo!!" sigaw nina Tina at Violet nang makita ako dito sa canteen.
"Nakakainis ka talaga!!" pagmamaktol ng dalawa na eventually ay mga kakalase ko na kasama rin sa mga nagsitilian kanina.
BINABASA MO ANG
Phil-Am
Teen FictionIsang lalaking feeler at isang babaeng ambisyosa. Meet Philip and Amber. Phil and Am for short. Phil-Am. Ang kwento ng feeler at ambisyosa.