Chapter 3

12 2 0
                                    

Scarlet Pov

Maaga akong nagising dahil ngayon daw ang unang pasukan dito sa Alteria...
Honestly kinakabahan talaga ako..
Hindi ko talaga alam kong anong nag aabang na pangyayari sa lugar na ito..pero malakas ang instinct ko na may magandang mangyayari sa akin dito at syempre meron ding hindi...
At sana dito ko makikita ang tunay kong mga magulang..
Napabuntong hininga muna ako bago lumabas....

"Good morning Scarlet..."masayang bungad sa akin ni Loraine

"Good morning din.." masayang sabi ko

"Bagay na bagay sayo ang uniform.." sabi nito sa akin

"Hehehe ikaw din naman ah.."sabi ko

Kulay red kasi ang uniform ...may kulay red na blazer saka kulay white na panloob na may ribbon sa gitna na kulay white...
Black knee sock saka 1 inch na kulay black na sapatos...
Kaya maganda talaga..malayong malayo sa uniform ko dati...

" Halika ka na baka malate pa tayo...first day pa naman natin.."sabi nito

"Oo nga baka malate pa tayo..." sang ayon ko saka lumabas na kami sa doorm namin..

"Loraine bakit may isa pang hallway jan...??para saan yan??tanong ko rito

" Sa mga Royalties yan..at isa sa ipinagbabawal dito sa school ang pagpunta jan na walang permiso sa mga Royalties.."sabi nito

"Ahhh ok.." yun lang ang nasabi ko saka lumabas na kami...
Bawat madaanan naming mga estudyante ay tumitingin sa amin...este sa akin lang pala...

Pero nakakamangha lang ay dahil iba iba ang kulay ng mga mata nila...at ang mas lalong nakakamangha ay yung kung ano ang kulay ng mata nila ay ganun din sa hair nila...

Ang astig lang...

"Wow mukhang trending ka mamaya Scarlet.."sabi bigla ni Loraine sa akin

"Huh??bakit naman?tanong ko

" Basta..malalaman mo rin.."sabi nito

"Saan tayo pupunta ngayon?tanong ko rito

"Sa gymnasium tayo..may program pa kasing sasabihin ang HM saka may iaanounce din yun.." sagot nito kaya ngumiti lang ako saka tumango

Pagdating namin sa gymnasium ay ang dami agad na estyudanteng nakatingin sa akin...

Grabe naman to parang ngayon lang nakakita nang transferee...

"Wag mo lang pansinin Scar ganyan lang talaga sila.." sabi sa nito sa akin

"Ahh ok..pero bakit  yung iba ang sama nilang tumingin sa akin..??tanong ko na ikinatawa lang nito

May saltik ba tong kasama ko??

Naghanap naman kami nang mauupuan saka maghintay lang na magsimula ang program...
Buong araw ang program kaya parang sumakit ang pwet ko kakaupo..nahirapan nga akong nakatayo ..mabuti na lang at tinulungan ako ni Loraine...

" Ganun ba katagal ang program dito..??buong araw talaga??tanong ko dito

"Oo eh...pero masasanay ka din nyan.."sagot nito

"Pero teka ano yung leveling test na sinasabi kanina??tanong ko
Ehh sa curious kasi ako ehh..

"Ahh yun ba...para malaman kung gaano kalakas ang charm na hawak mo at saka doon din mababase kung saan ka mabebelong na section.. Kaya dapat maging ready ka na.." sabi nito sa akin

"Ahh kailangan talaga nang ganun..??tanong ko

" oo .."sagot nito

Alam nyo kanina pa ako naiinis sa mga estydante dito ..parang ngayon lang nakakita ng transferee...

Pagdating namin sa doorm ay agad naman akong umupo sa couch...

Grabe kapagod talaga kanina..kahit nakikinig lang ako..

"Scar magluluto muna ako para sa dinner natin.." sabi sa akin ni Loraine kaya agad naman akong tumayo

"I help.." sabi ko na ikinatango naman nito

Nagluto lang kami ng adobong manok...at syempre ako ang magsuggest nun..
Hindi daw kasi nya alam kung paano lutuin yung adobong manok kaya tinuruan ko..

"Ang sarap naman nito..ano nga ulit ang pangalan nito??tanong nito sa akin

" Adobong manok.."sagot ko
Pagkatapos naming kumain ay agad na akong umakyat sa kwarto..sya na kasi daw ang maghugas ng pinagkainan namin kaya ayun...

Agad naman akong humiga sa kama saka tumitig sa kisame..

Sana naman mahanap ko na ang mga magulang ko...

Gustong gusto ko na talaga silang makikilala...

Napangiwi naman ako ng kumirot ang birthmark ko sa gilid ng tiyan ko

"Ouch nagsisimula naman.." mahinang daing ko

Hindi ko alam kong bakit may ganito ako..pero ok na din dahil maganda naman ang birthmark ko...
Isa kasi itong crown na may pakpak tapos may ibat ibang simbolo na nakaukit tapos sa loob ng crown ay isang heart shape kaso isang side lang ng heart ang nasa akin..pero mabuti na nga lang at hindi ito basta bastang nakikita...

Feeling ko nga baka hindi natapos tong heart sa gitna..kasi wala yung side shape ng heart..

Tinulog ko na lang yung sakit sa ng birthmark..sigurado naman akong mawawala din ito pagkabukas....












Thanks for reading po

Please kindly vote....

Happy September....

Alteria Academy (SCHOOL OF ALTERIANS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon