Ang Manhid Mo!

155 4 1
                                    

Nakakatamad pumasok sa school!!

Ayoko pumasok! >.< pero gusto ko pumasok para makita si Liam. Asawa ko yan!! Dejwk lang! Hahhaha! Bestfriend ko!

Mahal ko yan.. pinanganak lang naman siya para maging bato este manhid. Saksakan ng kamanhidan!

Psh. Makaligo na nga! pagkaligo ko nagbihis ako at pumasok na sa school. Alangan namang nakahubad akong pumasok sa school diba? Hahha!

Hindi uso ang kain sakin kapag papasok sa school kasi ang takaw ni Liam =_____= hahanap agad ng pagkain. Ang dami pang binibiling pagkain kaya yun nalang ang kinakain ko.

Ako si Leah Agustin. Asawa ni Liam Agustin. Jowk! Leah Castaneda.

Pagpasok ko.. May nambatok saken?! Pagharap ko..

Sino pa ba?

Edi si....

"Liam! Masakit ah!"

"You're late. Ginutom mo ko."

"Anong ginutom?? Bat di ka kumain?!"

"Hinihintay po kita!"

"Aba! May pahintay hintay ka pang nalalaman?!"

"Alam mo namang hindi ako makakakain pag wala ka! At alam ko namang hindi ka pa kumakain eh!"

"Ha?! Tara nga! Gutom na ko!"

Hinila ko siya papunta sa favorite tambayan. Ang canteen. 20 mins. pa naman kaya pwede pang gawin ang kung ano mang gusto namin. Maaga kaming pinapapasok ni manong guard. Close kami nun! :D

Habang kumakain sa canteen..

"Liam baka naman pati plato makain mo. Ano ka? Patay gutom? Hahahahahahaha!"

"Hindi ako kumain kagabi. Pati na rin kanina."

"Ha? Bakit naman??"

"Kakaisip kung pano sasabihin sayo."

"Ang alin?"

"A-ah.. ano.. wala! Tapos na ko. Tara bilisan mo!" Sabi niya at paalis na sana.

"Wait!! Konti nalang. Hintay mo ko!"

Paalis na siya nang tinigilan ko ang pagkain ko at sinigawan siya..

"Liam Agustin! Hintayin mo ko! Kung ayaw mong.. basta! Humarap ka nga dito!"

"Bakit mo tinigilan pagkain mo? Namiss mo ko noh?? Hahahaha!" Sabi niya at lumapit sakin.

"Hindi ahh!! Ayoko nang kumain! Tara!" Sabi ko habang tumatayo.

Tinulak tulak ko siya palabas ng canteen. Nasa corridor na kami ngayon pero di pa siya kumikibo..

Iba mood nito ah? Lakas maka mood swings! Maasar nga.

"Hoy! Liam! Meron ka ba? Bat ang tahimik mo ngayon?!"

Nung nasa tapat na kami ng section B may babaeng humalik sa kanya at nagtitigan pa sila..

Nasasaktan ako.. wala naman akong karapatan pero... masakit!! Bakit? Ito ba yung sinasabi niyang pinagiisipan niya kung pano sasabihin sakin? Na may girlfriend siya?

Bigla naman akong naiyak at tumakbo at nabunggo ko si Liam.. nasa harap ko kasi siya kanina.

"*sniff* s-sorry Liam.. Alis muna ko. Mag bonding muna kayo ng girlfriend mo..."

Naririnig kong tinatawag ako ni Liam at nararamdaman ko ding hinahabol niya ako. Pero wala akong pake. Nasaktan ako eh. Walanjo! Humanda yung babaeng yun sakin!!

Hiningal namn ako kaya tumigil ako sa pagtakbo.. bigla niya kong niyakap..

"Leah anong nangyari? Bat umiiyak ka?"

"Oh? Diba girlfriend mo yun? Bat mo iniwan?"

"Ha? Ano bang sinasabi mo?"

"Wala na.. huli na ko.. bakit ba kasi hindi mo maramdaman.. bakit ba kasi hindi mo makita na nandito lang ako para sayo?"

"Hindi kita maintindihan.."

"Ang manhid mo!"

"Anong ibig mong sabihin? Si Kira ba? Ex ko siya. Wala na kami! Nagulat lang ako kaya ko siya natitigan!"

"Hindi yun ang ibig kong sabihin.."

"Leah.. magtatapat na ko hindi ko na kayang itago sayo.. ayokong nahihirapan ka nang dahil sa siraulong katulad ko.. ayaw kong nakikita kitang umiiyak.."

"Ang alin? Na girlfriend mo siya? Alam ko na.. no need to explain."

"Bat nagkakaganyan ka?"

"Kasi mahal kita! Mahal kita Liam! Pero bakit ba hindi mo maramdaman?! Oo matagal na kitang mahal! Hindi mo ba napapansin? Mahal na kita!"

"Seryoso ka ba?"

"Tingin mo iiyak ako kung nagloloko lang ako?!"

"Leah *ngiti* bakit ngayon mo lang sinabi?"

"Huh?"

"Mahal din kita. Yun ang pinagiisipan ko kagabi kaya di ako makakain. Tinamaan ng pagkatorpe eh.. *ngiti* pero ngayon nasabi ko na.. *ngiti*"

"Nagbibiro ka ba? Pakisampal ako."

"Ayoko! Masisira ang pinaka aalagaan kong mukha mo!"

"Psh. Totoo ba to?"

"Oo."

"Pero... pano--"

Natigil ako sa pagsasalita dahil hinalikan niya ako...

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Sa Lips..

First kiss ko.. ninakaw niya..

Ninakaw niya na nga ang puso ko ninakaw pa niya first kiss ko.. aba! Walang hiya!

"Oh ngayon naniniwala ka nang totoo ang mga nangyayari?"

Napahagulgol na lang ako.

"Leah anyare sayo??"

"Magnanakaw!!"

"Huh? Anong ninakaw ko sayo?! Wala naman ah!"

"Huhuhu.. First kiss ko.."

"Yun ba? *ngiti* don't worry.. ako din ang last.."

"Ngiti ka nang ngiti halikan ko yang labi mo eh!"

"You already did."

"Hambalusin kita ng sako diya--"

"Mahalin kita diyan eh.."

______________________________________________________________________________

Ang Manhid Mo!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon