S i m p l y .

10 1 0
                                    

Her POV 

D A Y  O N E 

*riinnngggggg* 

*riiiinngggggg* 

5:30 a. m. 

 OH MIIIII GOD!!! 

malelate na ko juskooo! 
agad akong bumangon para mag ready for another weird day of mahlayp. HAHAHA
mamaya na ko. mag kukwento kasiiiii late na talagaaaa ako! 

6:45 a. m. 

 Okay! fifteen minutes before my first class. at eto nandito parin ako sa jeep. Hays.
ang traffic naman kasi papuntang school e. Probinsya na nga traffic parin. akala ko ba sa edsa lang uso yun? susme! 

Napatingin ako sa labas ng jeep. Nakakita ako ng dalawang batang babae na masayang nag lalaro sa may bakuran nila. Napa-ngiti na lang ako ng maalala sya . Aking kababata na hindi nag bago. matagal man kaming hindi nagkita pero yung closeness namin andon parin. 

Napatigil ako sa pag babalik tanaw ng may narinig akong tunog ng siren. Sya na naman ba yan? 
siguro sanayan na lang. Kung sino man 'yon.  Tingin ko naman hindi Sila masamang tao. 

"Ma, Para na 'ho." Sabi ko. SAWAKAS! Time check 6: 56 a. m.  Okay. Lakad militar na naman. Jusko. Konting tiis na lang. Konti na lang makakapag tapos na ko. matutulungan ko na rin sina nanay. Para naman sakanila 'to e. 

F a s t f o r w a r d : 

"Class dismiss." Sabi ng prof namin sa math. Paduguan talaga ng utak tong subj. na to. 
"Hey! Tara daw kain saglit bago umuwi?" Yaya sakin ng isang kaklase kong babae. "Marami pa akong gagawin e. alam mo naman maraming pa proj. mga prof natin. palibhasa'y mag mimid term na." sagot ko sakanya. Gusto kong sumama pero... maraming kailangang tapusin. 
at isa pa. ayokong mag sayang ng oras sa mga taong plastik. tsk. Tumayo na ko para maglakad papalabas ng classroom. "Una na ko. Enjoy na lang kayo."

Makauwi na nga. 

Ganito lang daily routine ko. School - Bahay.  walang oras para mag sayang ng pera sa kung ano anong uso o mga pagkain na sobrang mamahal na kayang kaya namang lutuin sa bahay. Minsan na labas pero hindi naman ganon kalaki gastos kasi tamang kwek-kwek at palamig lang busog na. Pinaka luho ko na yung makabili ng isang libro ng paborito kong otor sa watty. Hehehe. Hindi naman kasi ganon ka pricey e. saka napag iipunan naman. 

Naglalakad na ko dito papunta sa may amin.
Habang nag lalakad. nakita ko na naman ang mga taong laging nag tutumpukan dito sa may barangay namin. Ang mga laging magka-ututang dila mga taong ang hilig ay pag usapan ang buhay ng ibang tao. tsk. Hindi na talaga mawawala yan e 'no? 

Tinulak ko papasok ang pinto ng aming munting bahay. 
"Oh. andito ka na pala. Kain ka na. may pagkain doon sa mesa." Sabi ng aking buthiing ina. 
"Sige ho nay. magpapalit lang po ako. Salamat po." Sagot ko. binaba ko isa-isa ang aking mga gamit. 

"Kamusta naman nak?" Napangiti ako sa tanong ng aking nanay. Araw araw yan. walang mintis lagi nyang tinatanong kamusta araw ko. "Nako. nay. ganon parin. dami ko na ngang tatapusin e. susme!" eh totoo naman. lagi nalang ganon. walang katapusang mga proj. Power point. etc. wala e . buhay kolehiyo. 

Kakatapos ko lang kumain. andito ako sa munti naming salas. nag papahinga at ako'y masyadong nabusog. sarap ng luto ni nanay e . THE BEST!!! 
habang nag papahinga tamang scroll lang ako sa facebook.
Napakunot noo ako ng mabasa ang post ng isang kilalang tao. hmmmp. ano 'to? 

A/N 'di ko na itatype. idedescribe ko na lang whahaha. 

Hmp. makapag post na nga lang ulit sa notes. HAHAHA 
Dito ko kasi minsan nilalabas mga hinanakit ko e. Gamit ang mga matatalinhagang salita...

Pagkatapos kong tapusin ang mga dapat tapusin. Nahiga na ako. Para mag paantok. Hindi kasi ako gaanong dinadalaw ng antok netong mga nakaraang araw e. ewan. Insomia ata?  Laki na nga ng eye bags ko e  T_T HuHuHu  anuh ba yan? panget na nga may eye bags pa e 'di lalo ng pumangit. JUSKO LORD! BAKIT GANTO?! okay. OA NA. HAHAHA 

" AYYYY HALIMAW KAAAAA!! " 

"Ming Ming! ako'y nag kakasala sayo e. jusmiyo ka! Hating gabi na nang gugulat ka pa!" Sabi ko sa pusa na parang ako'y sasagutin neto. HAHAHA Lumapit sakin ang pusa at nahiga sa tabi ko. Oh diba? ayos! HAHAHA Hinipo ko na lang ang malambot na balahibo. Habang pinag mamasdan ang magkaibang kulay na mga mata nya. hihihi. Ganda pa nung isang kulay ng mata nya. Kulay asul yung isa naman mabrown brown. hehehe... kasabay ng pag pikit ng kanyang mata... ang sya ring pag pikit ng akin. Goodnight satin ming ming.. 

" Ang buhay ng tao napaka simple lang. Tayo lang din nag papa komplikado. mga simpleng bagay na hindi naman na dapat pang pag aksayahan ng oras. Hindi kasi tayo marunong makuntento e . WE always want more siguro nga. part na natin yun." 



_____________________

A/N ~ PART 2. Next chap.
COMMENT VOTE  AND RECOMMENDATION  Is highly appreciatted. Even CRITIC  mas gusto ko honest ang comments nyo. ^^ Hindi puro pang uuto. Hahaha

Enjoy Reading!!! ^^ 

***A P H R O D I T E***

F A M EWhere stories live. Discover now