My secretary is an Alien
Prologue
According to research, two to three times every year mayroong mga hindi maipaliwanag na mga bagay na lumililipad sa himpapawid may dala itong mga iba’t ibang kulay na tipong mga eroplano sa kalangitan, nakikita ito sa iba’t ibang bahagi ng mundo. May nakakapagsabi na dinadalaw daw tayo ng mga taga ibang mundo para mapag-aralan kung ano ang meron sa mundo natin at may nakakapagsabi rin na plano nilang sakupin ang ating mundo.
Ang tawag sakanila ay aliens, sila daw ay sakay nang isang unidentified flying objects o ufo mula sa ibang galaxy na pumapasok sa mundo tuwing hating gabi. Isa daw silang mga creatures na hindi kaaya-aya ang itsura kung saan meron silang tatlong mata, mahahabang galamay, nakakatakot na boses at may mga armas na wala sa ating mundo . Katulad na lang ng mga palabas sa mga kilalang movies tungkol sa aliens.
May mga artifacts na nagsasabing totoo ang mga aliens,at hanggang ngayon patuloy pa ring pinagtatalunan ng mga scientist kung tunay nga ba ang mga itoo kathang isip lamang
Sabi ni lolo Carding ang mga aliens ay hindi mula sa kathang isip, ito ay totoo pano nya nasabi ito ? dahil isang alien ang aking mga magulang, ang sabi nya nang ako’y bata pa iniwan ako ng aking mga magulang sa poder ni lolo Carding at sa takdang panahon babalik sila at kukunin nila ako.
Nung una hindi ako naniniwala sa mga pinagsasabi nya saakin,ang akala ko noon sinasabi nya ito saakin para hindi na ako masyadong malungkot sa tuwing nakikita ko ang ibang bata na may kasamang mga magulang. Pero isang araw natuklasan ko na totoo ang lahat,isang alien ang aking mga magulang at isa akong alien. Simula ng araw na iyon nagbago ang lahat sa aking buhay.
Kailangan kong itago ang tunay kong katauhan sa iba dahil kapag nalaman nila ang tunay na ako kakatakutan at lalayuan nila ako. At ayaw kong mangyari yon dahil nalalabi na lang ang mga oras ko sa mundong ito, gusto kong lubusin ito ng normal at hindi kakatakutan ng lahat.
BINABASA MO ANG
My Secretary is an alien
Teen Fictionsi Lyka ay naniniwala na isa syang alien at malapit nang bumalik sa kanilang planeta. puro kaalienan ang story na ito kaya kung ako sayo basahin mo na lang :)