ALIEN 5

5 0 0
                                    

L             Y             K              A

Maghapon ayun yung nasa isip ko, di ko alam kung bakit ako kinakabahan sa thank you na yun, baka kasi hindi si sir Timothy ang nagsabi nun kung hindi mga bad spirits dito sa company.

“baka malunod ka nyan” nabalik ako sa mundo nang narinig ko yung boses ni  Andre.

Si Andre ay kapatid ng bestfriend ko na si Aselle, sya yung isa sa naging dahilan kung bakit ako nakapasok  sa kompanya na to mahirap kasi makapasok dito kapag walang marerecommend sayo.

“kaw pala, bakit ka nandito? Porket manager kana pagala gala ka na lang ah” yup manager si Andre ng finance department actually crush ko sya since highschool palang kame. Super close din kame ni Andre, bali parang bestfriend ko na din sya, twin sila ni Aselle, alam nila lahat ng tungkol saakin bukod lang sa pagiging alien ko dahil confidential yon.

“hindi ako gumagala papapirma ko lang to sa boss naten”

“para saan?”

“budget for the Christmas season,ano maganda ba mood?”

“sus, tinanong mo pa lagi namang menopause yun, wala nang nagbago”

hahahaha, ikaw talaga Lyka mamaya marinig nya yun masisante ka pa”

“subukan nya lang, hahaha akin na nga yan ako na magpapapirma ibibigay ko na lang sayo mamaya” kinuha ko na yung mga documents na hawak nito.

“sigurado ka baka abala naman sayo to.”

“kunwari ka pa, ok lang wala akong masyadong ginagawa”

“talaga to” ginulo nya yung buhok ko, ugali nya yun eh alien ako hindi aso “thank you”

“kainis to ang hirap kaya magsuklay” inayos ko yung buhok ko na nagulo

“nako, ang arte sige na alis na ko madami pang ginagawa sa finance department. Thank you ulit Lyka I owe you, bawi ako sayo sa sweldo”

“ok bye, ingat” sumakay na sya ng elevator at ako naman inaayos ko na yung mga documents na dapat ipapirma kay sir menopausal 101

My Secretary is an alienTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon