•
Ito na ang araw ng kaniyang paglisan,
Si ina ay papunta na sa paliparan.
Hinagpis sa loob ko'y aking pinipigilan,
At 'di nais ipakita ang mga matang luhaan.Sa paglipad ng eroplanong kaniyang sinasakyan,
Sumabay ang patak ng luhang hindi na mapigilan.
Kaba sa dibdib ay akin nang naramdaman,
Desisyon niyang pag-alis na di na mapapalitan.Lumipas ang mahabang panahon,
Buhay namin ay umahon.
Sa dinami-daming ba naman ng kahon,
Na pinapadala taon-taon.May tsokolate at laruan,
May damit na kulay luntian.
May toothpaste at sabon,
Isama mo na rin pati ang cologne.Dahil doon, pagaaral ay ginalingan.
Araw-araw, ako'y nasa eskwelahan,
Sa tuwina'y nagaaral ng may kagalingan,
Sinisiguradong kalaman ko'y 'di nila mapapantayan.Sa araw ng pagkilala,
Hinahanap ka sa madla.
Ngunit nabigo aking mata,
Mukha mo'y hindi ko nakita.Napatanong sa sarili, "bakit ko pa ito ginagawa?"
Kung sa akin nga'y magpatanaw man lang ay di mo ginawa.
Hindi ba't masakit sa damdamin?
Na ang mga paghihirap ko'y baliwala rin.Mabuti pang umiba ng landas,
Hindi naman siguro nila ipagkakalat.
Sa landas na ikasasaya,
Kahit ako'y pakalat kalat."Pre, tara magDOTA!"
"Palibre ka naman, ikaw taya."
"Try mo to pare, wala namang mawawala."
"Oo, 'di mo naman ikasisira.""Brad wala ka nang ibang pupuntahan."
"Dito ka nalang 'di ka namin iiwanan."
"Oo, 'di tulad ng iba na pumuntang japan"
"Parte kana ngayon ng aming kawatan."Mga linyang aking narinig,
Linyang nagpalakas saking pintig.
Salitang aking susundin,
Sa pagaakalang ako'y sasaya din.Sa tagal ng mga kahibangan,
Naitago ang mga kalokohan.
Ngunit sa huli'y napagtanto
At tila biglang natauhan.Hindi ito ang gusto kong maranasan,
Hinagpis ay aking nararamdaman.
Lahat ng ito ay hindi ko kasiyahan,
Dahil wala siya dito upang aking mahagkan.Madalas sa malayo nakatingin,
Nagtatanong kung paano haharapin.
Nangungulila kapiling ng dilim,
Idinadaan sa buntung-hiningang malalim.Sa bawat pagpikit ng mga mata,
Ang masidhing pangungulila.
Iiiyak mo hanggang umaga,
Sa muling pagbangon, bakas ang luha.Kinabukasan, sa aking pagmulat
Mukha mo ay aking nakaharap.
Tila ba'y ika'y nakauwi na,
Ngayon ako'y muling sasaya.Tinignan kita na parang noon,
Na parang musmos ako hanggang ngayon.
Nangungulila sa iyong pansin,
Mga yakap mong nanais-naisin.Ngunit ng ika'y yakapin,
Mata ko'y nanlabo,
Utak ko'y tila gumuguho,
At puso ko'y parang dumudugo.Muling iminulat aking nga mata,
Ako'y napabangon sa kama.
Nabingi ako sa sigaw ng aking tiya,
Narinig ko na lamang na wala kana.Pabalik kana sana ng bansa,
Ngunit minaltrato ka.
Ina, patawad at nabigo kita.
Hindi ko inintindi ang paghihirap mo para sa pamilya.•
BINABASA MO ANG
A Short Tragic Peom: Ina
PoetryIsang tula tungkol sa mga anak na iniwan ng kanilang mga magulang upang magtrabaho sa ibang bansa. Huwag nating sayangin ang mga paghihirap nila, sa halip gawin natin itong inspirasyon upang tayo ay magtagumpay. [ Mahigpit na ipinagbabawal ang pagna...