The letter

11 0 0
                                    

Isa siyang babae.
Hindi man perpekto,
Pero marunong makuntento.


Masunurin na anak,
Mabait na kapatid,
Maalagain na tiyahin,

Mapang-unawang kaibigan.
At higit sa lahat,
Mapagsilbi sa Diyos.

Okay naman sana lahat
sa kanyang buhay.

Pero 'di niya alam,
Ba't bigla siyang nawalan
Nang ganang mabuhay.

Marami siyang
Mga katanungan
Sa kanyang sarili.

Pero mismo siya,
Di niya maintindihan
Ang sarili.

Sa kaloob-looban niya
Wala nang natitirang sigla.

Pero ipinapakita niya
Sa mga taong
Nasa paligid niya
Na siya ay masaya.

Mahirap man
Sa kanyang mag-panggap,
Alam niyang pag sinabi niya
Sa lahat ang katotohanang
Kanyang isisiwalat,

Alam niyang hindi ito
Katanggap-tanggap.

Kaya lumipas ang oras,
Araw,
Buwan
At taon
Nang hindi niya parin
Nasasabi sa lahat ang totoo.

Hirap na hirap
Siyang magpakatotoo.
At nasasaktan na rin
Ang kanyang
Pusong magtago.

Dahil hindi niya
Masabi-sabi
Ang katotohanang itinatago.

Alam niyang hiram lang
Ang mabuhay sa mundong ibabaw.
Kaya naman minsan na niyang sinubukang pumanaw.

Wala na siyang ibang naisip na paraan kundi kamatayan.























Kamatayan nga ba talaga ang solusyon sa lahat nang diskusyon?






















"HINDI"
'Yan ang sabi nang
Panginoon.
Pinigilan siya nito
Na ituloy ang kanyang
Masamang balak.

Kaya naman minsan
Na niyang ni laklak
Ang sarili sa kababasa
At kapapanood nang
Kung ano-anung palabas
Para makalimutan pansamantala
Ang reyalidad.

Ikinukubli
Nang kanyang
Mga mata
Ang sakit
Na nadarama
Pero minsan niya nang nakita ang Repleksyon sa salamin
At di niya maitago
Ang pagbugso nang
Damdamin.

Nakita niya na kahit pilit
Itinatago nang kanyang pisikal
Na pagkatao ang totoo,
Makikita't-makikita niya parin
Sa kanyang mga mata
Ang tunay na damdamin nito.


Masakit sa kanyang
Magsinungaling,
Pero hindi niya alam
Paano umamin.

Maraming bagay
Ang nangyari sa ilang taon
Niyang 'di pagsasabi.

Alam niyang masasaktan
ang lahat
kaya sa oras na
magkaalaman na
ay pinlano na niyang bumigay.

Bumigay sa buhay
At sa lahat nang bagay.

Masakit mapag-iwanan,
Pero mas masakit
Ang mang-iwan.







































-------------------------------
AN: This one shot poem was inspired by my own life story. I was lost and I've decided to pour out my real feelings by writing this piece. I was lost but I eventually found my way out of that darkness. A lot of things happened in my life and I've decided to slowly write those things down. More one shot poem to be posted soon.

Note: Don't plagiarize. Be respectful.

REALITYWhere stories live. Discover now