Justin
"Ako na oorder ng pagkain, upo ka nalang." sabi ko sakanya.
"Sige." sagot lang niya.
"Feeling ko close tayo dati." sabi niya sa akin pag kaupo ko.
"Ha? hahaha. Oo, medyo close tayo noon." sabi ko. masakit.
"Anong nangyari sayo?" tanong ko sakanya.
"Sabi ni mama, naaksidente raw ako noon. Tapos konti na lang yung chance na mabubuhay ako. Kaya dinala nila ako sa ibang bansa. Nakasurvive ako. Swerte ko no? Pero ang nabawi sa akin, yung mga memories ko. Wala na nga akong maalala eh kung ano yung mga nangyari noon sa akin. Di ko nga alam kung may boyfriend ako noon. Hahahaha. Joke. Pero feeling ko wala akong boyfriend noon kase kung meron, matagal na niya akong kinulit hahaha." pagkekwento niya.
Naramdaman ko na lang yung luha kong pumatak.
"Teka cr lang ako ha." pagpapaalam ko sakanya.
Pagkatalikod ko sakanya, sunod sunod nang nagsipatakan ang mga luha ko hanggang sa nakarating ako sa cr.
Ang sakit. Ang sakit sakit. Sana ako yung nasa tabi mo noon. Sana ako yung kasama mong lumaban.
Hindi ko na napigilan at tuluyan na akong umiyak.
•
BINABASA MO ANG
tilaluha • justin
FanfictionTILALUHA • COMPLETED "turuan mo akong limutin ka." SB19 Justin Epistolary • Narrative Tagalog hyukwrites • 2021