Sister Wars

37 1 0
                                    

Scene 1

Diocy- Victor! Victor! Bilisan mo! Lalabas na! Ang sakit!Bilis! Bilis!

Victor - Oo, eto na oh, binibilisan na nga diba?

Diocy - Ikaw, mamimilosopo ka pa! Bilisan mo! Ayan na naman...!

Victor - Nurse! Nurse, manganganak na po Mrs. ko! Emergency po!

Nurse - nakikita ko po sir.....

Nagtitigan yung nurse atsaka si Victor, wala reaction habang si Diocy ay hirap na hirap na....nabitawan pa.

Diocy - VICTOR! ABA MASAKIT NA TO! May gana ka pang ibagsak ako! Letse ka, aray ko po!

Victor - Ah, pasensya na darling, Nurse, saan ko pwede ihiga misis ko...

Di tumugon ang nurse, nakatulala lang, parang na paralyze...nanlalake mga mata...

Victor - Nurse? Hello?! Earth to Nurse?

Diocy - OI! ALAM MO BA KUNG GAANO KASAKIT ITO! PEDE PAKIBILISBILISAN! Nagaalboroto na ako! Oi!

Nurse - *bumalik sa wisy* A! Opo! Ano po! Ano po...*kung ano anong bagay na di connected ang pinaggagalaw, parang nababaliw...* Opo, masakit po iyan, sige po, sige po!

Victor - Nurse, ayos ka lang?

Diocy - HOY!!! IKAW NURSE KA! KANINA KA PA HA! MASAKIT NA! MASAKIT NA MASAKIT! ARAY!

Victor - A...nurse, pede mo bang tawagin na yung doctor nyo dito??

Nurse - Doctor??? Ah! OO DOCTOR! SIGE Tay, tatawagin ko lang po ung doctor...DOCTOR!!

walang tugon...nainis ang nurse at sumugod papunta sa opisina ng doctor (outside ng stage)

Nurse: OI DOCTOR GUMISING KA NGA!! HOY! MAY NAGAALBOROTO NA DITO

Doctor : Natutulog ang tao eh, 5 minutes...

Nurse: WAG KA NGANG TATAMADTAMAD!

Doctor : Oi, kung makasa-

(Kasabay lumabas ang nurse, bagong gising at Nayayamot habang kinakaladkad ng nurse)

Doctor - Oi bakit na naman ba? Diba sinabi ko, pag nap time ko, nap time ko, kulang na nga ang lola mo sa beauty sleep, bubulabugin mo pa, ano ba? Di mo ba kayang gawin yan....

Diocy: AAAAAAAHHHHH! PALABAS NA! VICTOR! BAT BA ANG TAGAL PA NUNG NURSE! ASAN NA YUNG DOCTOR! OI MASAKIT NA HA! MASAKIT NA MASAKIT NA!!! LALABAS NA! AAAAAHHH

Doctor: AAAHHHH! MAy nanganganak!!!

Nurse : Ay hindi, may nagmimisa, may nagmimisa....oo doc, kaya kita gin-

Doctor: Bat di mo ba ako ginising kaagad?Diba utos ko sayo gigisingin mo ako, bat ba kasi ang tamad tamad at ang bagal mo kumilos, kunin mo nga yung flashlight atsaka yung mga kailangan pampaanak...

Habang kinukuha ung mga kung ano ano...

Nurse: Teka lang ha! Bat naman ako yung naging tamad?!

Doctor: Kasi hindi ako, kaya ikaw, wag ng satsat, kailangan ko ng panghugpt ng baby...Now mommy, give me one big -

Diocy: AAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHH!

Doctor: Good job mommy, now, isa pang o-

Diocy: AAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHH!

Doctor: Mommy, wait for my signal ok-

Diocy: AAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHH!

Doctor: Sinabing wait for my signal eh! Ah! Eto na pala yung baby, Daddy, congratulations, its a girl!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 07, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sister WarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon