Ang gwapo talaga ng batang ito! Bakit huli ito ipinanganak ng mga magulang niya? Ang sakit mang isipin pero hanggang paghanga na lang itong nararamdaman ko sa estudyante kong ito.
Oo guro ako, tama ang nasa isip mo. Guro ako at walang karapatang magkagusto sa estudyante ko. Gurong dapat nilang maging modelo. Gurong magtuturo sa kanila ng tamang landas sa buhay.
Kung ano man itong nabubuo ngayon sa damdamin ko, kailangan na itong mabura.
Subalit paano?
Kung sa araw-araw na lang na ginawa ng Diyos ay mukha ng batang ito ang aking makikita sa paaralan? Kailangan ko na bang mag-resign? Gumawa ng hindi maganda para maalis sa gobyerno?
Paano ko ba kakalabanin ang damdamin ko para kay Arji Fuentebella? Paano?
YOU ARE READING
Corrupting Minor Ako, Wapakels Kayo!
RomanceGurong nagkagusto sa kanyang estudyante. Paano kaya kakalabanin ni Ms. Maybelle ang damdamin niya kay Arji Fuentebella, ang kanyang estudyante?