Isang bagong taong-panuruan na naman ang sasalubong sa aming mga guro ng Brgy. Lauag National High School, isang paaralang malayo sa bayan ng San Carlos. Abalang-abala ang lahat sa paglilinis ng kani-kanilang mga silid ang mga kapwa ko guro, mga mag-aaral, mga magulang at mga stakeholders ng paaralan namin.
Isang linggo na lang ang natitira at mag-uumpisa na ang klase. Anong uri kaya ng mga mag-aaral ang mapupunta sa akin ngayong taon? Baka naman kagaya pa rin ng nakaraang taon na lahat na 'ata na uri ng estudyante ay itinambak na sa akin. May masyadong maalam na kahit batid niya wala na siyang punto, e ang tapang-tapang pang makipagtalunan sa akin dahil top 1 ito ng klase. Mayroon din naming inulan din ng kamalasan dahil sa kahit ilang ulit ko nang i-remedial class, nakakalimutan agad ang lesson. Mayroon din namang anak ng isang politiko kaya spoiled sa lahat ng bagay. Kunting bagay lang na mapagsabihan ko, punta agad sa paaralan ang Brgy. Kapitan na father nito.
"Ma'am Edna, hindi ka ba nagpagawa ng Brigada Tshirt natin ngayong taon?" tanong ko sa gurong nasa katabi ko lang ng room na abalang nagpapalit ng plastic para sa kanyang teacher's table. Nasa edad 45 taong gulang na si Gng. Edna De Los Santos, adviser din ng isa pang seksyon ng Baitang 8.
"Mayroon akong tshirt dito Ma'am Maybelle, nagpalit lang ako kanina lang dahil sa nabasa agad ng pawis ko sa kalilinis ng silid. Ilang students ko lang kasi ang bumalik kaya heto, ako muna ang naglilinis," tugon ni Ma'am Edna sa akin habang hawak-hawak niya ang plastic cover ng mesa.
Maliit lang ang bayan naming ito, dalawang seksyon lang ang bawat baitang kaya maliit lang naman kaming mga guro dito. Ang iba sa amin ay hindi pa talaga taga-rito, kagaya ko. Nanggaling ako sa ibang bayan pa kaso nga lang, wala ng bakante sa school doon namin kaya rito na ako dinestino. Labag man sa aking kalooban na rito ako magturo, tinanggap ko na. Kaysa naman wala akong trabaho. Tatlong taon na akong nagtuturo rito at parang minahal ko na rin ang baryong ito dahil mabait din naman ang mga nananahan dito. Weekend lang kung ako'y umuwi ng bahay upang makatipid ng pamasahe.
"Ma'am, nasaan po ang attendance natin? Maglalagda po ng attendance ang nanay ko?" tanong sa akin ng isang kong mag-aaral na babae.
"Sandali muna, baka naipasok ko sa isang folder."
Pagkatapos maglinis at maglagda ng kani-kanilang attendance ang mga students ko at mga magulang nila, agad na rin silang mauuwi. Maiiwan kaming mga guro hanggang sa oras ng uwian namin na alas-singko ng hapon. Anim na araw ang Brigada Eskwela at nakabatay rin naman sa aming mga guro kung mag-du-duty kami ng 6 days equivalent to 3 days service credit. Kailangan lamang masiguro namin na magiging handa na aming classroom, kami as a teacher at ang aming buong school para sa next week na pagbubukas ng klase.
"Ang daming basura ano Ma'am Edna?"
"Basta 1st at 2nd day ng brigada, ganyan talaga karami ang basura Ma'am Maybelle. Dalawang buwan kasing hindi natin nalinisan angt school kaya sandamakmak na basura ang matitpon bago ang pagbubukas ng klase. Kumusta naman ang attendance sheet mo kanina, mga ilang students mo ba ang nakabalik para maglinis? Sa akin kasi, out of 30, 13 pa lang, baka bukas o susunod pang araw ang iba maglilinis."
"Hay naku Ma'am, lamang lang ako ng 2 students sa iyo Ma,am out of 31. Hindi ko na muna pinalinisan ang ibang bahagi ng silid. Kinumpina na lang muna ng mga tatay na nagbrigada ang mga sirang upuan namin at binunot ang mga damo ng mga ibang parents ang nasa garden namin. Hindi matatapos ang sabado nito, matatapos ding malinis ang labas at loob ng silid namin."
Natapos ang buong 6 na araw ng Brigada Eskwela na matiwasay. Nakabalik lahat ang mga mag-aaral na nasa listahan ng seksyon kong Grade 8-Gumamela. Ako naman ay limang araw ang balik sa school dahil may sinadya ako sa siyudad noong huwebes kaya nag-absent muna ako.
YOU ARE READING
Corrupting Minor Ako, Wapakels Kayo!
RomanceGurong nagkagusto sa kanyang estudyante. Paano kaya kakalabanin ni Ms. Maybelle ang damdamin niya kay Arji Fuentebella, ang kanyang estudyante?