"Aking señorita." Maluha luhang bigkas ni Eli.
Hindi ko alam kung ano pa ang ginagawa nya dito. Nakayakap sya ng mahigpit at tila ayaw akong bitawan. Hindi ko alam ang gagawin ko, hindi ko rin alam kung ano ang sasabihin ko.
"Eli wala naman na tayong dapat pang pag-usapan. Alam naman natin pareho na hindi tayo bagay para sa isa't isa dahi----"
"Dahil ano? dahil ganyan ka at ganto ako? Clara kaya naman kitang tanggapin eh, sa kung sino at kung ano ka." Sagot ni Eli.
Oo Eli, alam kong kaya mo akong tanggapin, pero hindi ko kayang tanggapin ang sarili ko. Kung pwede lang bumalik tayo sa nakaraan, gagawin ko. Iiwasan ko ang lahat ng pangyayaring may kinalaman sa atin, iiwasan kong makilala kita, para hindi tayo ganito ngayon, para hindi ka naghihirap sakin ngayon. Oo Eli mahal kita, pero hindi ko kaya na ganito ang sitwasyon natin.
Umiyak nalang ako habang nakayakap sya sakin. Wala na akong magawa kundi umiyak dahil sa bigat ng nararamdaman ko. Hindi ko alam kung kaylan matatapos ang ganitong pangyayari sa buhay namin. Siguro, kapag nawala na ako ng tuluyan sa mundong ito, mawawala na rin ang paghihirap na nararanasan ni Eli.
Tuluyan na akong bumitaw kay Eli. Tumalikod ako at nagsimulang maglakad palayo sakanya kasabay non ang pagbuhos ng malakas na ulan.
______________________________________
Alamin at abangan ang mga pangyayari sa kwentong aking isusulat.
Maraming salamat!