RELATIONSHIP REQUEST

2 1 0
                                    

I am heading to my classroom ng magvibrate ang phone na hawak ko.

'Liam Manoban sent you a relationship request'

Nagulantang ang nananahimik kong mundo nang mabasa ko ito. Wait, whaaaaat? Kaya imbis na palakad lang akong pumunta sa room ay halos lumipad na ako makarating lang kaagad.

"LIAM! Ano 'to?"sigaw ko pagkadating na pagkadating ko sa room.

Halos lahat ng atensyon nila napunta sakin-- yung mga nagme-make up, mga gumagawa ng assignment at nang bubwisit pero nang dumako ang mata ko sa crush ko na pafall-- este si Liam na kasama ang mga kabarkada niyang tumatawa habang siya na nakayuko sa desk niya kanina na nagulat ata sa pagsigaw ko.

Dali-dali ko siyang pinuntahan nang magtama ang aming mga mata.

"Hoi, ano 'to?" tanong ko sa kanya.

"Relationship request?" Sarkastiko niyang tanong.

"Alam ko! Eh bakit ka nag relationship request sakin?!"

"Baka kasi gusto kita! Gusto kita matagal na Jeni! Hindi mo maramdaman kasi manhid ka! Tingin ka ng tingin sa iba andito naman ako!" litanya niya.

"Ayieeee!"

"Sana oillll!"

"Mygooood!"

Habang ako ito, tulala pa rin at kasalukuyang pinoproseso ang mga salitang galing sa kanya.

"Did I heard you right, Liam?"

"Yes! Matagal na Jeni!"

At dahil nakaupo pa siya ay hinigit ko siya patayo at hinila palabas ng room.

"Liam, gusto din kita."

"Talaga? Kung ganon? Tayo na?"

"Sige ba!"

-------

"I love you, babe! Thank you kasi you accepted my relationship request. Kung hindi baka wala tayo dito ngayon, nasa harap ng dambana, pinapatunayan sa kanila na tayo ang para sa isa't-isa. Thank you for accepting me. I love you and I vow to God that I will always do it."

"You may now, kiss the bride."

Rinig kong sabi ng pari.

Nandito ako ngayon, sa kasal ni Liam, at nang bestfriend ko. Naiintindihan ko naman, na may kulang ako, may kulang sa akin na nahanap niya sa bestfriend ko. Inaamin ko hanggang ngayon, masakit pa din... I can't accept it before, pero ngayon tanggap ko na. Hindi naman ako aattend sa kasal nila kung hindi. Pero natutunan ko na hindi laging maganda ang mga pagtatapos, pero it caused a happy life to my bestfriend so I am happy too.


And I, Jeni Pascual, bacame broken before dahil sa lintek na relationship status request na yan. But now I am contented and happy.

~End

RELATIONSHIP REQUESTWhere stories live. Discover now