Prologue

5 1 0
                                    

PROLOGUE


I am a wattpader. I think that's enough to realize that I am a hopeless romantic type of person. Sa eighteen years ko ng nabubuhay, hindi ko pa nararanasan magkaroon ng boyfriend or manliligaw.

Hindi ako kagandahan at mataba ako. Admitted naman ako. Hindi ko naman maikakaila 'yon. However, I'm still looking for someone who will love me unconditionally. For fatter or thinner. At medyo nagmamadali na ako. Bakit kamo? Mayroon lang naman nagsabi sa akin na tatanda raw akong dalaga.

And who is not afraid to grow old being a virgin?! No one!

So I'm doing everything to find a boyfriend that will pop my cherry. Lol.

Since nagbabasa ako ng wattpad, medyo marami na akong nagawang ways to find my better half. Nandyan nang isinulat ko ang number ko sa isang kotse gamit ang lipstick ko. Ang resulta? Muntik lang naman nila ako kasuhan sa ginawa ko. Mabuti nalang at napaniwala ko silang may sakit ako sa isip.

Nasubukan ko na rin mampatid ng lalaki sa school. Ending? Umuwi lang naman akong may bangas sa mukha. Pumapatol pala sa babae 'yong tao na iyon.

Eto pa, sinubukan ko ring magpa-plug sa mga tropa ko. Noong una, ayos naman. Kaya lang noong tumagal tagal, marami nang nagtetext sa akin at nagsasabing nanalo daw ako sa lotto at sa kung saan saan pa. kaya pinalitan ko din ang number ko.

Pero may isa pa akong hindi nagagawa. Medyo delikado pero sabi nga nila, kapag desperado na lahat gagawin.

Kaya nagdesisyon na ako. At bukas na bukas ko na gagawin ang plano.

MAGHAHANAP na ako ng lalaki na pwedeng paggawaan ng plano. Andito ako ngayon sa isang Mall malapit sa lugar namin.

Ayan na. Lumabas na ang prospect ko. Kailangan ko ng galingan ang acting ko para maisagawa ng maayos ito.

"Hoy ikaw lalaki! Bakit tinataguan mo ako, hah?!" Hysterical na saad ko habang lumalapit sa puwesto niya. May kasama siyang babae na halos kamukha niya. Lagot na. Mukhang ito ang mama niya. Ibinalik ko ang tingin ko sa kanya at mukhang naaaliw siya sa ginagawa ko.

"Excuse me hija, may I know who are you?" His mother. Shit! Napasubo ako dito ah. Pero ayos na din. Para legal agad kapag nagkataon.

"Ako po 'yong girlfriend nitong lalaki na ito. Ilang araw na niya po ako tinataguan. At hinding hindi po ako papayag na makawala siya sa akin lalo na ngayong buntis ako!" Matulin kong saad. Halata sa mukha ng Ginang ang gulat.

"Pete, explain this." His Mom said with her deep and terrifying voice.

"Wala akong balak na takbuhan yan Mom. You didn't raise me to become an irresponsible man. Baby let's talk. I 'll make it up to you" He said to his Mom and turn his eyes on me. Nanlaki lang naman ang mata ko sa narinig. Shit! Talaga bang sinasabayan niya ako sa pagkabaliw ko?!

Wait.

Niyakap niya ako sa harap ng mommy niya at...

"So this is where our love story begin. I am now your instant boyfriend, baby." He whispered and a lone tear escaped from my eyes.

Maybe he is the one. I already found my better half.

Pete Gozon everyone, the love of my life.

My long time crush is now my instant Jowa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 15, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Instant JowaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon