Naniniwala ka ba sa Opposite Do Attracts?
Yung tipong sabi mo sa sarili mo hindi ka magkakagusto sa taong kabaligtaran ng ugali mo.
"Ang ganda niya talaga." (Boy 1)
"Yeah! I agree. She's beautiful inside and out." (Boy 2)
"Psh! Not my type." (Boy 3)
Paano kung kinain mo yung sinabi mo? Ikaw na tahimik, dry, pusong bato, masungit at supladong lalaki nagkagusto sa isang madaldal, sweet, pusong mamon, mabait at makulit na babae.
"I think I'm fallin' in love with her." (Boy)
"Why don't you fight for her?" (Friend)
Yung tahimik mong mundo, nagulo mula ng dumating siya sa buhay mo. Siya na nagpabago sa buhay mo. Siya na laging nagpapasaya sa araw mo. Siya na nagpapaganda ng mood mo. Siya na kahit makaaway, makasagutan, makabangayan mo, namimiss at mamimiss mo pa rin.
"Pwede bang kahit ngayon lang, maging seryoso muna tayo? Walang away, walang sigawan, walang bangayan. Puro muna kasweetan."
"O-okay"
Pero what if.... Maalala mo ung deal niyo ng kaibigan mo.
"Kahit konti ba wala siyang amor sa'yo? Ibig kong sabihin, kahit konti ba hindi ka naattract sa kanya?" (Boy 1)
"Oo nga. Maganda, mabait, matalino, sweet at maalaga naman siya. Nasa kanya naman na lahat nang hinahanap ng isang lalaki sa isang babae." (Boy 2)
"Wala at kahit kailan hinding-hindi ako magkakagusto sa kanya. Ni hindi nga ako nagagandahan sa kanya." (Boy 3)
"Ingat ka. Baka kainin mo yung sinabi mo." (Boy 1)
"Nasabi mo na rin na hindi ka magkakagusto sa kanya. Let's have a deal. Make her fall in love with you. Kapag nahulog siya sa'yo at hindi ka nahulog sa kanya, I'll give you what you want. Pero... Kapag ikaw, nahulog sa kanya, lalayuan mo na siya. Kami nalang nitong lalaking 'to ang may karapatan para ligawan siya." (Boy 2)
"Pero..." (Boy 1)
"Deal." (Boy 3)
What will you do? Will you fight for what you really feel or you'll give up? Lalo't alam mo sa sarili mo na sa una palang, talo kana sa deal na yun. Alam mo sa sarili mo na mahal mo na yung taong pinagpustahan niyo? Walang deal. Walang lokohan. Pure at totoo. A genuine love na minsan mo lang naramdaman.
"Alam ko naman, nung una palang talo na ako. Sana hindi nalang ako pumayag sa walang kwentang deal na yon!" (Boy)
"Jan pumapasok yung kasabihang, 'nasa huli ang pagsisisi." (Friend)
But too late. What if nalaman niya ang totoo? Yung araw na kinatatakutan mo? Handa ka bang magpaliwanag o tatanggapin mo nalang yung parusa sa'yo. Yung iiwasan mo na siya dahil yun ang usapan sa deal niyo at dahil wala ka ng karapatan pa sa kanya. Yung nagalit na nga yung taong mahal mo sa'yo, nawala pa siya sa buhay mo. Sabi nga, walang sikretong hindi nabubunyag.
"Sorry. Let me explain. Please! I love you. I mean it. Pakinggan mo naman ako. Paniwalaan mo naman ako." (Boy)
"Explain what? Pakinggan kita? Paniwalaan kita? Para saan pa? Para magpakatanga? You love me? Tanginang pagmamahal yan! Saan ka nakakita ng taong nagmamahal habang pinaglalaruan yung taong minamahal niya? Ang tanga ko siguro dahil pinili kita kaysa sa kanya." *slaps* "You deserved that slap. Actually kulang pa yan. Hindi sapat yan para pagbayaran mo yung paglalaro sa nararamdaman ko, yung paglalaro sa damdamin ko. Kulang pa yung sakit ng sampal ko sa'yo sa sakit na dinulot mo sa puso ko." (Girl)
Tuluyan ka nalang bang susuko o ipaglalaban mo kung ano yung totoong nararamdaman mo?
Will it be happy ending or sad ending?
Let's find out.. Story of...
[Mister Masungit meets Miss Makulit]
**
~ Another product of magandang author's imagination. Don't plagiarize. Ü
(A/N: Soon. Makikilala niyo din kung sino si Boy 1, 2 and 3 pati na din si girl at friend. ❤)
Vote and Comment para masaya ❤
- Pauieeee ❤
Started: 04/14/15 (Final)
Finished: **/**/**
BINABASA MO ANG
Mister Masungit meets Miss Makulit (Genuine Love)
RandomWhat if Mister Masungit meets Miss Makulit? Si Marco Valderama a.k.a Mister Masungit, not typically na Harsh kung makapagsalita at Hard kung makapanasakit, may pagkasuplado lang talaga at Si Makulit a.k.a Ginny Valdez na nasobrahan sa kadaldalan at...