Chapter 8

4 0 0
                                    

Isang panibagong araw nanaman at ngayon ay papasok na ang mga estudyante sa mga eskwelahan nila. Naghahanda pa ang mga iba ngunit may isang dalaga na dumating ng sobrang aga.

Si Arabella ay pumasok sa eskwelahan na nakasarado pa rin, ngunit hindi iyon ang pumigil sa kanya sa pag pasok. Hinigpitan niya ang hawak sa kanyang backpack at umakyat sa gate ng paaralan. Iniwasan niya ang mga alarm ng eskwelahan para hindi siya malagot. Nang maka akyat na siya sa pinaka tuktok ng gate ay tumalon siya pababa.

Ang gate ng eskwelahan ay mataas. Hindi ito kayang akyatin ng mga akyat bahay pero nakaya iyon ni Arabella. Kapag bumaba ka naman ay baka mabalian ka pero si Arabella ay malakas. Wala mang isang galos o gasgas ang makikita mo sa kanya.

Pumunta siya ng maaga sa paaralan dahil may narinig siyang impormasyon na si Avrine ay pinagalitan ng kanyang ama. Madami ng nasaktan kay Avrine kaya gagawa si Arabella ng paraan para mapahiya rin ang babae. Pera kailangan niya muna malaman kung totoo ba to o hindi. Kaya niya ito inaabangan dito.

Mga ilang minuto ang nakalipas ay may mga nagsipasukan na sa paaralan. Lahat ng dumadaan kay Arabella ay umiiwas dahil sa takot. Natakot sila sa kanya kahapon nung nagalit siya kay Avrine noong lunch nila. Ang mga pumapasok ang mga tinatawag nilang 'nerds' maaga pumasok para makapag aral at makakuha ng magandang grado. Kaya nung nakita nila si Arabella ay nagulat sila at natakot. Wala man isa sa kanila nag tanong kung bakit siya naroon kahit na ang tanong iyon ang nagpapagulo sa isipan nila.

Intay siya ng hintay ngunit wala paring dumadating. Pati si Zetro ay wala rin. Nag tataka siya kung bakit. Siguro si Avrine ay nahihiyang pumasok kung totoo nga itong binugbog pero hindi niya alam kung bakit si Zetro ay wala rin.

"Such a waste of time." Binulong niya sa hangin ng mag ingay na ang bell ng school.

Babalik nalang siya sa loob ng paaralan ngunit bago pa siya maka tapak ng isang hakbang papasok ay nag vibrate ang phone niya. Taka siyang tumingin sa text na sinend ng isang unknown number.

"I'm back." Yun ang nakasulat na text. Tiningnan niya ang number at lumaki ang mata niya ng malaman niya yung kung sino nag message.

Dali dali siyang umuwi para malaman kung totoo nga ang pagkabasa niya.

Pagdating niya sa bahay ay may nakita siyang isa pang dagdag na kotse sa garahe. Isa siyang Lamborghini huracan na pula at may signature sa gilid. Alam na alam ni Arabella kung kanino iyon. Nagmadali siyang pumasok sa bahay ngunit pagpasok niya ay sobrang tahimik sa loob. Wala mang ingay ang maririnig.

Tiningnan niya ang buong bahay. Pumunta sa taas pababa. Hinalungkat ang buong bahay para matingnan kung may tao ba sa loob. Sa huli ay tiningnan niya ang basement. Kung nasaan nakalagay ang gym nila at mga hindi kailangan na bagay.

Binukas niya ang ilaw at ang nagpakita sa kanya ang tao na hinahanap niya.

"Hoy Apoy..."

Ngumisi ang lalaki at lumapit kay Arabella. Ang lalaki ay may maskara na puro apoy. Nakabukas ang kamay niya na parang humihingi ng isang yakap.

"How's my baby sis doing?"

Tumakbo si Arabella sa kanyang kuya na ang pangalan ay Albert James Unknown. Matagal na niyang hindi nakasama ang kapatid niya dahil may pinagawa ang pamilya niya sa kanya.

Lumabas sina Jenni at Andrew sa tinataguan nila at isinigaw ang 'Surprise'

Malaki ang ngiti sa bibig ni Arabella ng makita niya ang kuya niya. Hinahangaan niya ito ng sobra sobra.

Si Albert ay isang Pyromaniac pero hindi masyado. Nakokontrol niya naman ito. Dahil mahilig siya sa apoy ay pinakulay niya ang buhok niya ng pula at nag contacts ng pula rin.

Magkayakap sila ng ilang minuto hangga't sa tinulak ni Arabella si Albert at susuntukin sana kaso umilag si Albert. Sumipa naman si Arabella kaso umiwas muli si Albert.

Suntok, sipa, tadyak, iba't ibang klaseng moves ang ginagawa nila.

Wag kayong magtaka kung bakit sila nag lalaban. Isa iyong tradisyon sa pamilya nila. Kapag umalis ang isa nilang pamilya at bumalik, isa sa iyong pamilya ay lalaban at titingnan kung lumakas ba yung umalis.

Base sa nakita nila Jenni at Andrew ay lumakas si Albert pero wala parin makakatalo kay Arabella.

Sinipa ng malakas ni Arabella sa tiyan si Albert at nahulog siya. Iyon ang nag signal na tapos na ang laban. Kung sino unang mahulog ang talo.

"Gumaling ka kuya."

Sabi ni Arabella at inextend ang kamay niya kay Albert para kunin niya at tumayo.

Ngumisi si Albert sa kanyang kapatid at hinila ang kamay ni Arabella papunta sa sahig. Inikot ni Albert ang katawan niya para maiwas ang katawan ni Arabella at tumayo.

"I won!"

Sigaw ni Albert pero umirap si Arabella at tinalisod si Albert at nahulog siya. Si Arabella ay tumayo at ngumisi sa kuya niya na ngayon ay nasasaktan sa sakit.

"No. I won. As always and will ever be."

Nalukot ang mukha ni Albert sa sinabi niya.

"Ouch Bella. Ako kuya pero bunso panalo. No no that is very wrong."

"No kuya bunso lagi panalo."

"Ang kulit panganay nga."

"Hindi, bunso."

"Panganay."

"Bunso."

"Panganay."

"Bunso."

"Panganay nga sabi."

"Bunso nga kulit mo."

At patuloy silang nag away hangga't sa marinig nilang magsalita ang magulang nila.

"Hay naku, kumain nalang kayo. Walang mananalo kung ganyan kayo ng ganyan. Pinag luto ko kayo ng ribeye-steak."

Sabi ng tatay nila. Agad na tumakbo si Albert sa kusina pero nandoon parin si Arabella.

"But I don't like ribeye..."

"Pinag luto kita ng bake Mac mo at carbonara."

Sabi ng nanay nila. Bigla nalang nag ningning ang mata ni Arabella at tumakbo sa kusina.

Nang makapunta ang magkapatid sa kusina, nakita nila ang madaming pagkain na nakahain.

"Dahil bumalik ang kapatid mo Arabella mag cecelebrate tayo kaya maghugas na kayo ng kamay at dumeretso sa hapag kainan."

Sabi ng nanay nila na tinuturi parin silang mga bata at umalis sa kusina. Agad na sinunod ng magkapatid ang utos ng kanilang ina at kumain buong gabi.

.....

Si Kuya Albert James Unknown

Si Kuya Albert James Unknown

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Mafia WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon