12 Days Cycle

20 0 0
                                    

Unang araw, ako ay may gusto sayo

Kasunod  na araw, lumalim ito

Pangatlong araw, sinabi ko

Kasunod na araw, binalewala mo

Pang-limang araw, tuloy parin ako

Kasunod na araw, nasasaktan na ako

Pang pitong araw, umaasa parin ako

Kasunod na araw, wala na ata ang pag-ibig ko

Pang siyam araw ako ay napapansin mo

Kasunod na araw ikaw na ata ang may gusto

Ngunit naisip ko ikaw parin ba laman nito?

Napagtanto kong ‘di pala ito tumigil sa pagtibok para sayo

Kaya tuloy parin ang pag asa kong magiging tayo

Pang labing isang araw, tuloy ang pagpapansin mo

Pero nahihiya akong tanungin, “ano ba ibig sabihin nito?”

Kasunod na araw, di pala ako ang ‘yong gusto

 ‘Bakit mo pinaabot ng ganito?’

Tanong ko lang, ‘bakit mo ginawa ito?’

Nasaktan ako sa ginawa mo di mo ba alam ang naramdaman ko?

Mahirap palang umasa at mabigo

Lalo na kung masyadong mahal mo ang isang tao

Dito nagtatapos ang aking kwento, may sakit at luha dahil ako’y bigo.

12 Days CycleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon