"Binabasa mo na naman yan." napalingon ako sa nagsalita. Naglakad siya papalapit sa akin at umupo sa tabi ko dito sa damuhan. Nakapwesto kami sa ilalim ng puno dito sa paaralan.
Lunch break kasi namin.
"Hindi ka ba nagsasawa?" salita na naman ng katabi ko. Hindi ko siya pinansin at nagtuloy-tuloy pa din sa pagbasa sa novel na hawak ko. A romance novel entitled 'Porcelain's Beauty'.
Hindi ko din alam kung bakit hindi ako nagsasawang basahin ang kwento na 'to. Masyado siyang maganda para sa 'kin.
"Minsan talaga sasakalin na kita kasi hindi ka man lang sumagot sa mga sinasabi ko." napahinto ako sa pagbabasa at napatingin sa katabi ko. Bahagya akong natawa.
Salubong na salubong na ang kilay niya. Nakakatuwa talaga siyang inisin. "Istorbo ka kasi masyado. Nagbabasa ako eh." natatawang sabi ko.
"Ilang beses mo na kayang nabasa yan! Hindi ka ba nasusura sa kakaulit dyan? Feeling ko nga kabisado mo na bawat linya nyan eh. Yung tipong pwede mo nang
i-kwento na fully detailed." mahabang lintanya nito. Napairap ako."Edi wow."
Binalik ko ang tingin sa libro at pinagpatuloy ang pagbabasa. Pero yung katabi ko nakakabwiset.
Bigla ba namang hinablot yung libro ko at tumakbo palayo.
Tsk. Akala niya hahabulin ko siya? Duh, hindi ko papagurin yung sarili ko.
Grabe, ni hindi niyo pa nga ako kilala eh. Well, I am Porschalaine Coleman. 18 years of existence in this fvcking world. Hahaha.
Pagpasensyahan niyo na, loka loka talaga ko minsan.
At yung nilalang na nanghablot ng libro ko na akala mo snatcher, siya si Shaun.
Shaun Lucas Falcon. Siraulo yon. Kaya lumayo layo kayo doon.Tss. Makasabi siya kanina na sasakalin niya ko, hindi naman kayang gawin -,-
Siya kaya sakalin ko.
"Pst! Porschaaaaa!" tae sino na naman yan?
May nakita akong babae na medyo kinulang sa height.. pfft hahahaha.
Tumakbo siya papalapit dito sa gawi ko.
"Porscha ng Mighty Bee! Hahahaha!" baliw amp.
"Ingay mo." sabi ko sabay irap.
"Syempre may bibig ako eh. Natural lang na mag ingay ako. Hindi kagaya mo na once in a purple moon lang magsalita!" purple moon?
"Ano na naman ba yon?" tanong ko. Ingay ingay niya kasi.
"Nasaan yung paborito mong libro?" tanong niya. Kumunot ang noo ko.
"Bakit?"
"Babasahin ko. Hihi." babasahin? aba,
"May sakit ka ba? Nananaginip ba ko? Ikaw? Babasahin yung libro na yon? This is miracle." sabi ko habang napapatakip pa ng kamay sa bibig.
Shocks, nakakagulat na pangyayari. Omaygad.
"Dali na! Asan yung libro mo?" tanong niya habang niyuyugyog yung braso ko. Buti na lang ang bait ko. Kasi kung hindi, baka pinaslang ko na 'to kakayugyog sa braso ko.
"Wala sa 'kin." sabi ko.
"Urur! Anong wala sayo?! Yun pa, eh para na ngang nakaglue yung libro na yon sa kamay mo kasi lagi mong hawak!"
"Kitang wala akong hawak diba? Kung meron edi sana kanina ko pa sinaksak sa ngala ngala mo." sabi ko at umirap. Wala eh, mabait ako.
"Ina mo! Bakit wala sayo?! Sinong depungal ang kumuha?!" magwawala na 'to. Pustahan pa.
YOU ARE READING
That Popular Novel Is My Story | PORSCHALAINE COLEMAN
RomanceMS Girls 1 ___________ credits to beshiwap_ganern for the wonderful cover! @aleumdaun book cover shop