Chapter 2

3 1 0
                                    

“Wooh! Shet. 2:20 PM na. Malapit na mag 2:30 sa wakas. Lesson learned, self. Wag mag cutting.” sabi ni Keira habang nakasimangot na kausap ang sarili niya.

Nandito kami sa tapat ng gate habang hinihintay si President Shera. Sa totoo lang walang kaso sa akin na maghintay dito sa labas kahit ilang oras pa. Pero sira ang mood ko ngayon dahil sa pesteng guard na inasar kami kanina.

Hindi na din talaga ako mag i-skip ng class kahit kailan. Tsk.

Napalingon kami ni Keira sa gate ng narinig namin itong bumukas. Si President Shera. Ang as usual, wala kang makikita na emosyon sa mukha niya.

“Here's your ID. Sana naman natuto na kayo sa parusang 'to.” sabi nito at inabot ang ID naming dalawa ni Keira.

“Hehe. Salamat at sorry po President Shera.” nahihiyang sabi ni Keira. Tumango lang si Pres. Shera sa amin at naglakad na papasok sa school. Naglakad na din kami ni Keira dahil late na kami.

“Oy. Binalik na ni Shaun sa'yo 'yung libro mo?” umiling ako sa tanong ni Kei. Tss, 'yung hinayupak na 'yon, hanggang ngayon hindi pa din niya binabalik yung libro ko. Papaslangin ko talaga siya pag nakita ko siya.

“Ano ba yan! Tch. Napaka bad timing ni Shaun kahit kailan. Kinuha kung kailan hihiramin ko e noh!” reklamo ni Keira. Napansin ko na parang medyo mainit ang ulo ni Keira. Hindi pa din siguro sila bati ng jowa niya.

And speaking of jowa, makakasalubong namin si Rash.

“Tss. Nandito na ang asungot.” irap ni Keira nang makita niya ang boyfriend niya na papalapit samin. Pfft.

Huminto kaming dalawa nang nasa tapat na namin si Rash.

“Baby ko, bati na tayo.” nagsusumamong sabi ni Rash. Baby? Ew.

“Baby mo mukha mo! Magsama kayo ng kabit mo! Tse!” singhal ni Keira at hinila ako papaalis. Narinig ko pa na tinawag niya si Keira. Napatingin ako sa braso ko na hinahaltak ni Keira. Ang higpit ng hawak niya sa'kin.

“Get your dirty hands off me.” sabi ko sabay irap. Maarte ako eh.

Napahinto si Keira.

“Makasabi ka ng dirty ha.” mukmok nito na halatang offended. Pake ko, madumi naman talaga kamay niya eh. Kung saan saan siya humawak kanina habang naghihintay kami sa gate.

Umirap na lang ako at naglakad na ulit. Nasa third floor na pala kami, hindi ko napansin.

Napatingin ako sa wrist watch ko. 2:50 na. Alas tres ang break time namin. Hindi na 'ko papasok. Para saan pa diba?

Sumandal ako sa kalahi ko—I mean, sa pader. Unti unti akong dumausdos hanggang mapaupo sa sahig. Walling lang ang peg?

Miss ko na ang libro ko. Feeling ko walang saysay ang buhay ko kapag hindi ko hawak ang libro ko na 'yon.

Ang drama ko. Tss. I fucking hate dramas.

Napatingin ako sa paligid. Nawala yung bruhang si Keira. Baka binalikan niya yung jowa niya, marupok eh. Pustahan bati na ulit sila ngayon.

Ano bang pwede kong gawin habang naghihintay? Should I tell you about myself? Wala, introduction lang. Tutal ako ang bida sa storyang 'to. Singit lang naman sila Keira at yung jowa niya kaya hindi ko sila kailangan. May sarili naman silang storya eh.

Hmm. Well, napansin niyo na medyo masungit ako? Kung hindi, edi hindi. Wala akong pake.

Kidding aside. Hm, nainlove na ako dati, share ko lang. Nainlove ako sa babaerong lalaki na nagngangalang Miguel Johnson. I used to call him Miggy.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 21, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

That Popular Novel Is My Story | PORSCHALAINE COLEMANWhere stories live. Discover now