Stalker Ako Ng Stalker Ko (One Shot)
By: ThisGirlIsKathie
LIYA'S POV
Bago ang lahat, magpapakilala muna ako. Ako si Aliyah Madrid. 17, at isang freshman college sa isang sikat na university sa province namin.
"Liya! Tara na sa social hall. Magsisimula na daw yung workshop" - Jennie
Kaibigan ko yan at classmate din.
Workshop? Psh! Asa namang interesado ako jan. Amboring boring ng mga ganyan eh -____- Kaya lang naman ako nagpalista as participant gawa ng extra curricular activity na pwede kong gamitin as qualification sa pagpili ng academic awardees every semester.
At dahil sa libreng pakain. Masiba ako eh. HAHAHA!
"Ano ba mga dapat dalhin?" - tanong ko kay Jennie.
"Wala. You just have to bring yourself. Hoho"
"Ah ok -_-"
Nasa may gym pa lang kami ng makakita ako ng grasya. Si Renson! Waaaaaahhhh >///////<
Ang lalaking isang sem ko na ring sinusundan, pinapantasyahan, at ninanakawan ng mga pictures sa fb! Wahaha.
"Kyaaah, papunta rin siya sa social hall?!!" - ako. Sa tono pa lang ng pananalita ko eh alam na nitong kasama ko kung sino ang tinutukoy ko.
"Sows. Malamang kasali rin yan sa workshop. Duh? Consistent awardee at dean's lister kaya yan since first year. Siya na active >.<"
Sabi ko nga -__- Kung maka'duh naman itong si Jennie. Eh sakin niya naman nalaman ang mga yan in the first place.
Yah, stalker ako. Ni Renson Santillan. Sa lahat ng stalker, ako na ang pinaka'stalker! XD I know almost everything about him.
But he doesn't know me. Ni hindi niya nga alam na nag'eexist ako eh -__-
******
"Ok guys! Lunch break!" - SC President.
At nagsitayuan na kami para pumila sa nagdidistribute ng pagkain dun.
Dinalian ko naman ang pagtayo kasi gusto kong masigurado na sa likod ako ni Renson makakapila. At ako nga ay nagtagumpay. Mwahaha. Kaso....
Nasa likod ko naman si Jacob. Ang Ex ko. Aspiring Student Council officer kasi yan kaya nandito. Tss. Oh and by the way, this workshop is conducted by our university student council para sa mga potential leaders ng campus.
AT KUNG MAKADIKIT NAMAN TONG JACOB NA TO! Hello? Di niya alam ang DISTANSYA?! Luh .
Nakakuha na ng pagkain si Renson kaya ako naman. At tingnan mo nga naman ang malas na dala ni Jacob -_- Umupo si Renson sa left part ng hall at sa kasamaang palad ay wala ng I bang space dun.
Makatabi na nga lang kay Jennie -__-
"Anong mukha yan Liya ha?" - sya
"Mukha ng maganda" - ako
"Baka mukha ng di napapansin ni Mr. Santillan. Wahaha"
"Ge, mang'asar pa -__- Gawin kong lomi ang makapal mong buhok jan eh."
"How rude! Haha. Ewan ko sayo. Tumingin ka na lang sa tabi tabi. May nagmamasid sayo. Mehehe"
" Ehhh?"
At ako naman si uto uto eh tumingin nga sa TABI TABI. At may nagmamasid nga sakin. Si Jacob -_- Problema niyan?
Mag ex na kami. Minahal ko siya pero luh, nakamove on na ko noh. Niloko niya kaya ako. Ipinagpalit niya ako sa pauleen na yun. Tss. Aba magsama sila. At ako naman ay kay renson sasama. Mwahaha. Anlahuy. Mga pantasya ko talaga -__-
Tapos na kami mag lunch pero may iilang kumakain pa kaya di pa nagsisimula ang afternoon session. At ang bwiset na Jacob yan! Iniinis pa ata ako. PDA! PDA sila ng syota niyang ewan. Tss. Hoy kayo! Para sa kaalaman niyo, hindi ako nagseselos. Nabibwiset ako kasi iniisip ata ng kumag na yan na magseselos ako!
ASA SIYA!
Sa inis ko eh lumapit ako kay Renson na nakaupo malapit sakanya. Yung tipong maririnig niya ang kung ano mang pag uusapan namin .
"Hi! ^___^" - Sabi ko sa inosenteng si Renson. Halatang nagulat siya sa biglang pagkausap ko sakanya pero nabawi niya agad at kumunot ang noo. Teka, ba't parang masungit? Waaah .
"Yes?" - siya
Waaa. Why so cold? :3
"Ah eh. Ano" Putakte elepante panty party party naman yan oh. Nakakaspeechless pala tong kausap T_____T
"Ano bang kailangan mo? -_-"
Anuba. Mas lalo akong natetense sa poker face mo. Narinig ko naman na may alagad ni satanas na nag'chuckle sa tabi. Sino pa ba. -__-
Pinagtatawanan niya ko ha? Ang kapal niya talaga para di maniwalang nakamove on na ako sa nakakaruming pag ibig ko sakanya. Yak. Aba'y kadiri! >_<
"Ge alis na ko kung wala kang sasabihin"
Tumalikod na siya para umalis pero sa ngalan ng puso kong nabihag niya, naks, ay teka. Ahem. Yun nga, sa ngalan ng puso kong nabihag niya eh...
"Wait! Mr. Renson Santillan, wag mo naman akong talikuran"
Hinigit ko siya at walanghiyang inakbayan. Baka katayin ako nito. Waaah.
"Alam mo, may gusto lang kasi akong jombagin jan eh. Nakakairita kasi. Kita mo ang lalaking yan? *sabay turo kay Jacob* Ex ko yan. Ilang beses ko ng sinabi sakanyang limot ko na yung peste kong feelings sakanya pero ayaw maniwala. At tamo, kung makipaglandian sa gerlpren, akala mo naman nasa isang romantic place at wala sa school. Sows. My point is, HOY JACOB! Makinig ka. Ayoko na sayo kaya wag mo kong asar asarin jan sa pamamagitan ng walang kwentang pagpapaselos whatever! Kita mo tong lalaking to? *sabay tingin kay Renson* Ito si Renson Santillan. 2nd year Psychology student. At matalino to. Ang mga naging average niya nung first year, first sem, second sem, at second year, first sem ay 1.2, 1.3, at 1.2 respectively! Kaya mo yun ha?! At eto pa! Siya ang pinaka'active sa klase niya at kahit kailan, di siya nagcutting classes. Kahit na pakalat kalat lang siya jan sa tabi tabi minsan at pagita-gitara at di nagrereview eh hindi mo aakalaing siya ang top 1 kumbaga sa block nila. Hindi mo kaya yon! At unlike you, gustong gusto niya ang calculus na naka'schedule pa ng 2:30-4:00 pm sa 23rd room, 3rd floor ng Ora Building. At kilala ko pa yung prof niya ha. Sino nga yon? Ahh! Yung panot na si Engineer Giordano. At sobrang madami pa akong alam sakanya kasi itong lalaking to... ang pumalit sayo sa puso ko"
O_______O
Yan ang itsura ni Jacob matapos kong magsalita. At nang tingnan ko si Renson, Sabi nga ni Vice Ganda, IT'S A TIE.
Malamang. Sino ba naman ang di magugulat kapag may isang babaeng di mo kilala ang bigla na lang sumulpot sa harap mo at ang daming alam tungkol sayo? Sabihin niyo nga -__-
"Kilala mo ko?" - R
"Oo naman." - Ako
"Pano?" - R
"Kaya nga may word na STALKER diba? ^_^" - ako
Nasa state of shock pa sila ng may biglang lumapit kay Renson na lalaki.
Nga pala, nakaakbay pa rin ako kay Rens. Ahem. Yun kuno ang tawag ko sakanya. XD
"Oy Renson! Ta--- Wait, Siya si---" - yung lalaki.
Pinagpatuloy ni Renson ang sasabihin sana ni lalaking di ko know.
"Si Aliyah Madrid. First year Political Science student. Katulad ko, matalino din siya. Average niya last sem? 1.3. Hindi siya ang pinaka-active sa klase nila kasi ayaw niyang maglider-lideran pero active to sa ingayan at daldalan. Pero tulad ko ulit, hindi yan nagka-cutting classes. Makikita mo din siya na pakalat kalat sa tabi tabi at laging nakatutok sa cp. Pero hindi para magext. Kundi para magwattpad. Pero kahit adik siya dun, never pa siyang bumagsak sa exams. One more thing, sa lahat ng ayaw niya ay math. Dito kami magkaiba. Ayaw niya sa magahabang equation at sa mga x and y na yan. Kaya ang pinaka-ayaw niyang oras ay 1:00-2:30 pm kasi yun ang sched ng Math class niya. At isinusumpa niya ang Room 8 ng Alumni Building dahil dun ang classroom nila. At sobrang madami pa akong alam sakanya. At ang babaeng to.... Ang nilalamanan ngayon ng puso ko."
This time, ako naman ang nagmay-ari nito .. O_______O
"Kilala mo rin ako?" - ako
"Oo naman" - Rens
" Pano?" - ako
"Kaya nga may word na STALKER diba? ^_^" - sya
THE END.
- ThisGirlIsKathie
BINABASA MO ANG
Stalker Ako Ng Stalker Ko
Teen FictionHanggang kelan ba maghahabol ang puso ko sakanya?