*REYNALLE POV*
Nagising ako sa ingay ng cellphone ko. pinatay ko ang tawag at pumikit ulit. pero maya-maya ay nag ring na naman. inis ko naman itong sinagot.
"Reynalle speaking" bungad ko. Ilang sandali akong naghintay sa response ng caller pero wala akong natanggap. Nung tingnan ko ang caller I.D ay unregistered Ito.
Pinatay ko na lang ang tawag. Kay aga-aga binibwisit ako? Tss!
Paniguradong hinahanap na ako nila Justin. Ika tatlong araw na Simula nung lumipat ako nang walang paalam. For sure, mahahanap din naman nila ako. I know them. They have connections, if they only want.
bread with butter, two cups of rice, buttermilk fried shrimp, Anchovy pasta with garlic breadcrumbs (inspired with Italian dishes) then water-- there, my perfect breakfast. Simple but healthy.
I went to school so early to avoid the crowds. Hindi ko naman ugaling makipag unahan sa mga tao papasok ng gate dahil almost late na. Wala talagang management sa mga utak nito.
I swiped my I.D before I entered the M.U campus. Ganyan ang way nila para ma monitor lahat ng estudyanteng papasok at lalabas sa campus.
I really want to change my lifestyle, my life. Kung paano makisalamuha sa mga normal na tao. Yung hindi baril ang hawak sa murang edad kundi mga pluma upang mag-aral at maging professional someday.
'oo, Professional ka nga...professional killer'
I shrugged. Heto na naman ako sa katotohanang hindi ko maikakaila. Sa murang edad ko, baril na ang kinamulatan ko. kulang na lang pagkapanganak sakin, baril ang sumalo sakin mula sa sinapupunan ng nanay ko. tss!
"Sabi ko na nga ba early bird ka"
Hindi naman ako nagulat nang bigla itong sumulpot sa harap ko. Baril nga na nakatutok sa ulo hindi ko iniinda.
Hayyy. Mukhang mangungulit na naman ang lalaking 'to
"I'm Harry nga pala...and you are?" pangungulit nito.
Huminto ako sa paglakad at hinarap siya. Tiningnan ko ang relo ko and it says that I still have twenty minutes before my first subject in the morning. Hanggang two-thirty lang ang klase ko every wednesday.
"Kapag sinabi ko ba ang pangalan ko ay titigilan mo na ako?"
"Well...depende" kibit balikat na sagot niya.
napa pikit ako ng mariin dahil sa inis. Ayokong mainis. Masyado pang maaga para ma stress. Ghad!
"Kara" I lied.
Wag ka sanang magalit Kara kapag nalaman mong ginamit ko ang pangalan mo at pinamigay sa iba.
"hmm. nice name" tango nito. "saan ang room mo?"
"Jan kana--"
"Oh! Couz? Saan ka pupunta?" Napatingin ito sa harapan namin. Sinundan ko ang tingin nito, and there I saw that guy looking at us intently. No. Crap! Saakin lang pala.
He is like giving me a warning look or glare to be exact.
"I just pass by and Checking something" ipinukol nito ang tingin sa lalaking kasama ko. Bakit ko ba kasama ang mga 'to? Tss "Is she the girl?" Tanong nito. Tumingin saakin
"Yup" naka ngiting tugon nitong nasa tabi ko habang naka titig sakin. Tumango-tango naman yung lalaki at pinasadahan ng tingin ang kabuuan ko.
BINABASA MO ANG
Assassin's Property
ActionReynalle always believe that she's born to kill her targets. Ending someone's life may unlawful and immoral, but it's her mission as an Assassin. She actually escaped multiple times. But she ended up receiving countless painful punishment as her re...