Chapter 4

896 39 0
                                    

Chapter 4

Raine Aragon

……

KAKAGISING KO PA lang ay naririnig ko na ang sunod-sunod na pagtunog ng cellphone ko. God, it's sunday! Why are they disturbing me?! And the heck! It's just seven in the morning! Alam ba nilang mag-aala-una na ako nakatulog kagabi?!

Inis na inabot ko ang cellphone ko at tiningnan ko kung sino ang nagme-message sa akin.

2 messages from Jade.

Agad kong binasa ang messages ng secretary ko. Well, he's just informing me that Sadie filed a vacation leave. Ang bruha kasi ay sumama sa boyfriend niya sa pag-uwi sa Greece. At kahit hindi ko pa iyon naa-approve ay lumipad na kahapon ang dalawa. Napabuntong-hininga na lang ako bago ko tiningnan ang iba ko pang notification.

15 messages from Jiro.

10 missed calls from Jiro.

Seriously? Yah! Jisung Robrencht Mendoza, I'm really going to kill you! Tahimik ang buhay ko noong nasa South Korea ka pang bata ka. Ano ba ang problema nito at binubulabog ako nang ganito kaaga?

Hey, pumunta ka ha?

'Wag mong kakalimutan.

Hey!

Yohooo!

Ren Ailine Aragon!!!!

Pansinin mo ako.

Huhuhuhuhu.

Renren!

Raineee!

Ren Ailine Vásquez Aragon y Sanchez Costello!!

Ipapa-blotter kita kapag di ka pumunta.

That's it. Sasampahan kita ng kasong paglabag sa Article 0205 ng Saligang Batas ng Pilipinas.

Ayon sa Article 0205, kapag nag-text si Jiro Mendoza, reply-an mo. Kapag tumawag si Jiro Mendoza, sagutin mo.

Hindi ko na natapos pa ang pagbabasa ko sa mga messages niya dahil bigla siyang tumawag. I rolled my eyes before answering it.

"Will you please let me live in peace?!" Bungad ko sa kanya.

"Okay. Rest in peace."

Nahilot ko ang sintedo ko. Ang aga-aga ay sinusubukan ng lalaking ito ang pasensiya ko. "I said live in peace!"

"Ow, sorry. I'll think about it."

Arggghhhh. Kung nasa harapan ko lang siya ngayon ay siguradong nasapak ko na siya.

"And it's a no. I was born with a mission and that is to piss off everyone around me." Malakas siyang tumawa. "Joke lang. Pumunta ka ha?"

"Sige, paulit-ulit mo akong kulitin at hindi talaga ako pupunta."

"Kailangan mong pumunta. Hawak ko ang buong pamilya mo."

"Si lolo Rudelo lang ang pamilya ko and he's here in the mansion so joke is on you."

"Hawak ko ang Prada sunglasses mo, Gucci bag, Versace pants, at ang higaan ng pusa mo na pina-personalize mo pa sa Lacoste kaya kailangan mong pumunta."

"The heck? Ewan ko sa iyo. Bye. Bili ka ng kausap mo." Di ko na talaga alam kung paano ko naging kaibigan ang loko-lokong 'to. Matino naman akong tao.

Well, yeah. Matinong tao na ako ngayon. But not during my teenage days. I was a rebel back then. Sa sobrang galit ko sa parents ko ay halos sirain ko na ang lahat pati pag-aaral ko. Kahit noong nasa pangangalaga na ako ni lolo ay sobrang pasaway pa rin ako.

.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon