Simula

14.9K 250 13
                                    

Zaccarrio

Dalawang pamilya ang magka-away dahil sa politika at lupa. That's what my Grandma told me before she died last month due to complications in her heart. She said, there were two rich and powerful families who vied for Zaccarrio. Parehong pamilya na mainit at nag-aalab para sa pag angkin nito noon magpa hanggang ngayon. But before I share to you the story behind the two big families rivalry, iki-kwento ko muna kung ano ba ang mayroon sa Zaccarrio.

Grandma happily shared the story to me about how wonderful and amazing the land of Zaccarrio is. It's a very small province na kung titingnan sa mapa ng Pilipinas ay hindi mo makikita. Limang bayan ang hawak ng Zaccarrio. Ang Ilaya, Sta. Elena, Sta. Cruz, Talamban at ang Almendra na tinuturing na sentrong bayan. At ang bilang naman ng populasyon ay mahigit o kumulang 21, 938 lang.

Sagana sa likas na yaman at magandang tanawin ang Zaccarrio. The beautiful scenery, clean surroundings, cool breeze and fresh air was what made my Grandma love Zaccarrio. It was far different from big cities like Manila. Kaonti lang ang mga building din dito sa Zaccarrio, maliliit pa ang mga iba. Walang naglalakihan at nagtataasang building, condo o mall pero mayroong iilang restaurant, salon at spa, barber shop, coffee shop, convenience store, wet market, paaralan, at malawak na playground na katabi lang ng munisipyo at simbahan.

Maraming mga taong nabubuhay dito sa pagsasaka, pagpapastol, pagtatanim ng mga gulay at prutas, at pagtatrabaho sa mga haciendero. May iilan ding nakaka-angat sa katayuan na nagmamay-ari ng iilang ektaryang lupa. Pero mas marami ang mahihirap na kahit paano ay swerte paring nakakain ng tatlong beses sa isang araw.

"Hellina... Lumabas ka na riyan at kakain na." Ani Manang Daisy sa labas ng pinto ng aking kwarto.

"O-opo. I'll be out in a minute." Sagot ko habang nakatingala parin sa aking ceiling.

Isang buwan pa lang ako rito pero gusto ko na agad bumalik sa California. I don't like it here and I miss my old school and friends so much. Gustong gusto ko ng bumalik but I can't.

My parents force me to stay here since magiging abala na si mommy sa pagpapatakbo ng hacienda dahil wala na si Grandma. Si daddy naman magiging abala para sa darating na eleksyon. He is serving two terms right now as Governor of Zaccarrio and this coming election, he'll run again as Governor for the third time. Ang isa ko namang nakakatandang kapatid na si Kuya Hex, is also running as a Mayor again in Almendra. He is currently serving now at Almendra as Mayor in his first term. Ang isa ko namang kapatid pa na si Kuya Heros, pangalawa sa amin na kasama kong lumaki sa California ay kasama ko rin umuwi dahil siya na ang tutulong kay mommy sa pagpapatakbo ng hacienda.

I felt like, somewhere in my mind, I don't belong here. But, somewhere also in my heart says, there is more of Zaccarrio. Parang hinihila ako nito gaano ko man gustong makawala.

Napabuntong hininga nalang ako't tumagilid ng higa sa kama habang nakatingin ako sa puting kurtina na naka sabit sa bintana ko. Sumasayaw ito dahil sa pagtulak ng malakas at malamig na hangin.

Muli akong napa-isip sa kwento ni Grandma. Ayaw ko sanang marinig dahil hindi naman ako interesado dito at ang buong utak ko'y lumalakbay sa isiping kailan kaya ako muling makakatuntong ng California? Ngunit natigil ako dahil ang isa sa pamilya pa la na kini-kwento niya ay ang kami, mga Amante.

Kami dawng mga Amante, ay likas na mga mababait at mapagmahal sa mga tao. Tatlo ang anak ni Grandma Heliria at Grandpa Avenido. Si Daddy, si Tito Hugo na hindi sumabak sa politika dahil abala ito sa sariling pamilya at negosyo niya sa Maynila at si Tita Hera na old maid na naka base na ngayon sa Boston.

Ang kwento ni Grandma nagsimula ito noong kabataan nila ni Grandpa at ni Luciano. The three of them were best of friends at ang dating boyfriend noon ni Grandma ay si Luciano del Carmen.

Grandma said, she and Luciano were very in love. But along their relationship, nagkalaboan sila dahil nalaman niyang nagkaroon ng ibang babae si Luciano. Ang durog na puso ni Grandma ay sinalo ni Grandpa. Lihim na pa lang may gusto si Grandpa noon kay Grandma ngunit naunahan lang siya ni Luciano.

Nang magsimula ang kanilang relasyon at maging magka sintahan, na kalauna'y nagpakasal na ay nagtayo sila ng isang farm. Noon maliit pa ang kanilang lupa pero masinop si Grandma sa pera at magaling sa pagpapatakbo ng negosyo hanggang sa lumaki ito at naging hacienda. Dahil sa marami ang taong nanilbihan sa kanila, dumami ang taong sumigaw na dapat tumakbo si Grandpa sa politika. Likas kasing mabait, matulungin at maawain ito sa mga tao. Kaya tumakbo siya. Naging Mayor siya ng Almendra ng dalawang termeno at umangat hanggang naging gobernador.

Ngunit hindi sa lahat ng panahon ay hawak nila ang tropiyo ng pagkapanalo sa swerte ng buhay. Lingid sa kanila ni Grandma at Grandpa na may kinikimkim na palang poot at galit sa puso ni Luciano. Hindi niya matanggap na ang babaeng pinakamamahal niya ay maagaw pa sa kanya ng kanyang tinuturing na kasangga at kaibigang tunay.

Mayaman na simula pa lang ang pamilya ng mga del Carmen. Kaya nagawa ni Luciano na tumakbo din sa politika at manalo. Pero kahit anong gawin niya, hindi siya ang pinupuri kung di kami mga Amante. Ganid kasi daw ito at corrupt, hindi nga lang nahuhuli dahil maimpluwensiya ito at ang pamilya niya.

Nagawa man ni Luciano ang lahat. Naging Mayor at bise-gobernador pero hindi iyon sapat sa kanya. Gusto niyang bumagsak ang mga Amante.

Namatay si Grandpa Avenido dahil sa pananambang. Sobra ang pighati ng buong Zaccarrio noon lalo na si Grandma. Lahat ng mga tao pinagbintangan si Luciano del Carmen pero walang ebidensyang makita kaya hindi ito nakulong. Puro lang pagbibintang.

Ayaw naman ni Grandma na isipin na ito talaga ang pumatay kay Grandpa dahil kahit papaano ay minahal niya ito dati at naging parte ito ng buhay nila ni Grandpa noon.

Ngunit ang sugat ng kahapon ay hindi na pwedeng magamot. Lumaki na ang peklat at mabura man ito ng panahon, ang sakit na dulot nito ay nananatili sa puso ng mga taong nawalan.

Kaya simula noon, ang Zaccarrio ay hindi lang naging isang maliit na lalawigan para sa mga mata ng Amante at del Carmen.

Mata sa mata. Dugo kalaban sa dugo ng kalaban. Pera sa pera. Kapangyarihan sa kapangyarihan. Wala ng makakapigil sa iringan ng dalawang pamilya.

Kaya noong marinig ko ito kay Grandma ay di ako makapaniwala. Kaya pala, ganoon nalang ang ka determinasyon ni Daddy sa pagtakbo sa politika. Ayaw niyang maging baliwala ang pagkamatay ni Grandpa. Hinarangan siya ni Grandma noon na pumasok sa politika pero hindi nagpa-awat si Daddy. Ayaw kasi ni Tito Hugo at wala ring alam si Tita Hera kaya siya ang umako sa responsibilidad na ipakita sa del Carmen na ang mga Amante, kailanma'y hindi muling mabibigo.

Si Kuya Hex naman ay nagmana kay Daddy. Idolo niya kasi ito. Sa aming tatlong magkakapatid, siya ang pinaka uptight. Napaka righteous nito at napaka strikto pero sa likod niyon ay ang kanyang kabutihan ng puso para sa masa katulad ni Daddy.

Si Kuya Heros, napaka barombado at babaero, buti na nga lang ngayon medyo nagtino na. Matalino at madiskarte naman siya kagaya ni Grandma pag dating sa pera.

At ako? Hindi ko alam kung saan ako lulugar sa dalawa. Ayaw ko sa politika dahil magulo at madumi ito. Ayaw ko naman sa pagpapatakbo ng hacienda dahil tingin ko, imbes na makatulong ako ay magiging pabigat lang ako.

Ang tanging gusto ko lang naman sa buhay ay mamuhay ng naayon sa gusto ko. Iyong malayo sa magulong mundo, malayo sa dumi ng politika, malayo sa gawaing bukid.

At mas gugustuhin ko pa sigurong ma experience paano ma in-love, paano magkaroon ng first kiss at paano ako mahalin ng isang lalaking mahal at gusto ko.

Though the idea of love is scary but the feeling of it is exciting and... full of curiosity. Iyan ang sabi sa akin ni Nicole, kaibigan ko sa California.

Sana, sa pagbalik ko dito sa Zaccarrio mahanap ko iyon.

Hearts and WarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon