Kabanata 2

6.7K 152 6
                                    

Enemy

Maaga akong nagising. Maaga kasi ang pasok ko. Magsisimula ang pasok ko ng 8:00 am at matatapos ng 4:00 pm.

"Hey sweety." Bati ni Daddy saka tiniklop ang binabasa niyang diyaryo.

"Good morning." Sabi ko saka bumeso ako sa kanya. Lumapit rin ako kay Mommy at bumeso.

"Manong Roy will be officially your driver at ipapadala din namin sina Victor at Sebastian para maging official bodyguard mo from now on." Ani Daddy.

"Why would I need a bodyguard?" Takang tanong ko habang nakatuon ang mga mata ko sa pag tusok noong hotdog gamit ang tinidor. Sinubo ko ito matapos ay humigop ako ng hot chocolate.

"Hellina, delikado na ang panahon ngayon. Isa pa, paparating narin ang eleksyon. Alam mo naman kung gaano kainit ang mga kalaban."

Naalala ko tuloy iyong kwento ni Grandma. Nagagalit at nalulungkot akong isipin na dahil lang sa politika, namatay si Grandpa. Why would people vied for that position anyway? It's not like you'll take with you your position and money in your grave when you die.

"O-okay." Hindi na ako komontra. Mas okay na rin iyong nag iingat.

"Asan nga pala si Heros? Bakit palagi kong hindi naaabotan ang batang iyon?" Tanong ni Daddy kay Mommy.

"He's busy talking with an investor na gustong mag invest sa poultry natin. Kasama niya ngayon si Mang Peding at pumunta sila ng Sta. Elena. Mamaya susunod ako sa kanila pagkatapos kong masamahan si Hellina papuntang school. First day niya ngayon kaya gusto kong maka sigurado na maayos ang lahat." Ani Mommy.

"Mom? I'm not a kid." Napa-irap ako sa sinabi niya.

She still baby sits me and it's really annoying. I really wish so hard before na magkaroon pa ako ng isang nakababatang kapatid na babae. But unfortunately, I did not. I am bless to have gain their full attention on me. Napaka swerte ko kasi hindi lahat ng mga anak nabibigyan ng ganoong pagkakataon. But their attention to me is too much na nasasakal na ako minsan. I wanted to fly but they cut off my wings so I can't. That's how I feel by the way they raise me.

"Tama nga naman Mariella. Let Hellina grow up. Huwag mo ng masyadong bini-baby ang anak natin at baka mas lalong maging spoiled pa iyan." Ani Daddy habang humigop ito ng kape at pinagpatuloy ang pagbabasa ng diyaryo.

Napa iling nalang si Mommy. "O-okay. But make sure na hindi ka lalabas ng school hanggat wala si Manong Roy at sila Victor at Sebastian okay? Dala mo ba ang cellphone mo?"

Tumango-tango lang ako saka pinagpatuloy ang pag-aalmusal.

"Balikan ko po kayo mamaya sa uwian niyo Ma'am Hellina. Kung may emergency man ho o mapa-aga ang labas niyo, e text niyo ho ako." Bilin ni Mang Roy ng nag tanggal ako ng seat belts.

"Oho Mang Roy." Sagot ko saka nagpaalam at pumasok na sa school.

I feel a little nervous lalo na at halos lahat ng studyante naka tingin sa akin. They keep on whispering to each other. Well I guess, this is how awful it feels like to be a transferee student. I wonder if they already knew who I am? I guess some already did. News about our family spread like fire easily. Kahit kaonting balita, alam agad ng mga taga Almendra at buong Zaccarrio. That is how influency my family, especially my father and older brother inflected in people here.

Ilang minuto matapos ako makarating sa school ay hindi ko parin mahanap iyong classroom ng first subject ko which is Economics. Naiinis na ako dahil kanina pa ako pa ikot-ikot. Masakit na rin ang mga paa ko sa kakalakad. Buti nalang talaga naka flat shoes lang ako.

"Hi!"

Napalingon ako sa aking likuran. I saw two girls at my age smiling at me. Iyong isa ay medyo mataba, balingkinitan ang kutis, kulot at itim ang buhok saka medyo singkit ang mga mata. Iyong isa naman ay kasing tangkad ko, slim, maputi din katulad ko. Medyo mas pale nga lang ang kutis niya kompara sa'kin na medyo nagiging cream ang kulay lalo na kapag nasisinagan ng araw. She has a dimple too in her right cheek.

Hearts and WarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon