Vacation

59 6 2
                                    

Dalawang araw na makalipas nung paguusap naming yun, babiyahe na ako papunta na uli ng Manila, taga dun kasi talaga kami, step dad ko lang ang taga rito, kasama ko si Jessica na magbabakasyon run.

Habang busy ako kakatext kay Ali, si Jessica naman ikot ng ikot sa kinauupuan niya, excited na excited na siya sa pagbabakasyon run, Andoon kasi Si Joyce at si Jaica mga pinsan namin na kavibes neto ni Jessica.

After 6 hours ng biyahe..

"Pa! Matagal paba kayo?! Baka dukutin kami rito ni Jess sa terminal! Dami pa naman naming dala!" sigaw ko sa cellphone dahil sa sobrang ingay sa dami ng taong bbyahe pauwi ng kanilang mga probinsya.

"Andito na kami, malapit na, trapik kasi!" sabi naman ni papa sa kabilang linya, si Papa ang papa ni mommy, papa din ang tawag ko sakanya dahil sa sila ni mama ang nagpalaki saakin noong iniwan ako ni mommy nung 2yrs.old ako dahil hindi daw niya ko kaya buhayin noon (mmk diba?)

Andito na kami sasakyan, kasama namin ni Jess si Mama na katabi ni papa sa my driver's seat, medyo strikta si mama pero kahit ganun siya ay hindi siya ganun kaKJ (killjoy-di marunong magsaya).

Papunta na kami sa bahay nila Tita Ina, siya ang nanay nila Jaica at Joyce, siya ang sumunod na babae sa magkakapatid nina mama, dito muna kami ni Jess sa kanila dahil madami pang bisita sa Guesthouse, dun nagttrabaho si papa siya ang manager/caretaker nung mansion na yun, mukha itong hotel dahil my 12 rooms at 5 maids itong bahay na ito at nasa striktong subdibisyon ito, ang mga bumibisita lamang rito ay mga misyonaryo o mga pamilyang galing sa ibang bansa na may ginagawa rito sa pilipinas, lahat sila ay mga taga'ibang bansa kaya't maselan sila sa mga bagay'bagay, kaya di kami hinahayaang mag'stay muna roon. Si mama naman ay isang Filipino teacher sa isang International School, kaya busy din lagi si mama, kaya dito muna kami pangsamantala.

Pagkarating namin ng bahay ni Tita ay tumakbo na agad si Jess papunta kay Joyce, habang si Jaica ay busy pa din sa pagiipod, iniwan na rin kami agad nina Mama at Papa, bukas nalang raw nila kami susunduin.

Kinagabihan..

"Jess dun ka nalang sa kabilang kama matulog dun nalang kami ni Joyce kayla Daddy matutulog." sabi ni Jaica

"Gusto ko katabi si Ate Joyce (mas matanda kasi si Joyce ng months kay Jess)." sabi naman netong si Jess

"Hindi makakatulog yun si joyce na walang ilaw kaya dun siya matutulog, magkikita naman kayo bukas." sabi ko naman kay Jess at tumango lang siya

Hindi ako makatulog nung gabing iyon kaya't naisip ko nalang na magtext muna,

To : Ali, Juls

Gising ka pa? Text tayo..

message sent!

Kung sino mang unang magrereply siya ang itetext ko ngayong gabi :)

Beep..

Fr : Juls

Ako gising pa :) Tara!

At si Juls ang nauna, ano kaya itotopic namin neto, pero sa tingin ko tanungin ko na kung anong problema niya, tawagan ko na nga lang

To : Juls

panet tatawagan ako..

message sent!

Calling ..

Calling ..

Calling .

( J pag siya D pag ako )

J : hello?

D : oh?

J : yaman mo! unlicall na ah..

D : whatevs, ano na?

J : topic mo! kaw nag'aya makipagteksan!

D : Ito na nga oh!

J : ano?

D : ilang months na kayo ni riza mo?

J : 9 months

D : tagal ah, ako nga 2 buwan palang pinakamatagal (as if naman madami akong naging bf)

J : (tumawa) pinakamatagal ko nga two years eh..

D : ows?! taga san yung babae?

J : taga rito sa abra

D : ah..

J : mahal ko pa rin sya

D : huh? sino?

J : yun yung two yrs ko, si Rizelle..

D : sino ba yun? bat naghiwalay kayo?

J : taga dito nga, naghanap siya ng iba, kaya ayun..

D : ngek, ang sweet sweet nyo kaya ni Riza tapos my mas mahal ka pa pala?

J : di naman kasi kagad maiiwanan ang dalawang taon namin matagal na relasyon yun, diko minahal si Riza, siguro konti lang.

D : sabagay, pero grabe huh? kung magkiss pa nga kayo grabe, tapos yun naman pala

J : di rin naman maganda ugali ni Riza, pinipilit niya lahat ng bagay saakin, yung kiss?pilit lang rin yun

D : alam niya ba to? yung kay rizelle?

J : wala nakakaalam, kaw lang

D : tinaymer mo na din ba si Riza?

J : oo, dalawang beses na.. yung una si rizelle tinaymer ko pa sakanya dahil nag long distance relationship kami ni rizelle, sumunod si Valerie ka'schoolmate natin

D : astig ka! grabe!

J : diko parin talaga makalimutan si Rizelle, lalo na't lagi kaming kumplikado ni Riza

D : ah?hmm, matulog kana kaya?

J : oo nga nuh? magttwelve na panet..

D : goodnight! salamat sa oras :)

J : tulog ka na rin

Call ended ..

Hindi kaya pag ako rin naging gf neto timerin din niya ako!waaah!!masama magassume!

Kinabukasan...

"Gooooood moooorniiing ate!"sigaw ni Jess sa tenga ko.

"Ano ba Jess! Puyat ako este pagod pa ko! Maya mo ko gisingin!" sabi ko naman sakanya

"Hello?! Ang aga natin natulog tapos puyat ka? Siguro katext mo si kuya Ali!" sabi niya saakin ng mahina

"Lumayas ka na nga lang rito! Sa kabila ka manbulabog!"sabi ko naman sa kanya at ayun lumabas na siya sa kwarto.

Bigla nanamang may pumasok na maiingay! Grabe na to! Nadadagdagan pa!

"Giisssiiing na!!" sigaw ni Joyce at Jessica

"Eto na! Fine! Fine! Fine! Sarap niyong iuntog dalawa -.-" sabi ko sakanila habang sila tawa pa rin ng tawa.

"Gisingin naman natin si Jaica!"sabi ko sa dalawa at pumunta na sila sa kabilang kwarto

"Giiissiinggg na!" sigaw nila (magigising ka talaga sakanila dahil sa badbreath pa sila, di man lang nagmumug muna bago kami gisingin.)

Kaya ayun nagising kagad si Jaica, kaya tinigilan na siya nung dalawa.. Teka? di pa pala gising tulog daw uli? Andaya! -.-

Tinawag na kami ni Tita..

"Magsswimming daw tayo! Baba na kayo." sigaw ni tita

Teka? Narinig lang ang swimming? Bumangon agad tong si Jaica!

Nandito na din pala si Mama'tpapa para sunduin na kami..


Pinagpuyatan ko yan guys!
Hahaha.. Di kasi talaga ko makapagconcentrate! xD

Good Morning sa lahat :)

~ Nielle.Heart <3

Bestfriends LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon