[Third Person's POV]
(*HIHIHIHHIHI~HIHIHIHIHIHI*) imaginin nyo na lang na tawa ng witch yan.
Isang nakakakilabot na tawa ng witch sa alarm clock ang gumising sa natutulog na si Samantha na gulo gulo ang buhok at tila walang balak tumayo.
"Haaissstt... umaga nanaman tch." Padabog nyang inimis ang nagkalat na plastic na chichirya mula sa kanyang zombie movie marathon kagabi atsaka sinukbit ang kulay itim na tuwalya na may 'KILL' na design sa kanyang balikat at naligo.
Umaga na naman. Paulit ulit nitong sabi habang iniisip kung paano nya matatakasan ang letcheng araw na ito. Ngayong araw na kasi sya papasok sa paaralang Emerald University matapos ang ilang buwan nyang pag hohome study na wala din namang napatutunguhan.
*Flashback*
"Samantha nandito na yung teacher mo kaya mo yan ha! Nandyan naman ang mga butler mo. Love yah Babooosh" sigaw ng tita Jade nya bago ito kumaripas palabas ng pinto. Tahimik na lang na naghintay ang kanyang pang 20 na teacher ngayong buwan. Dahil sa kilos at porma ni Samantha walang makatagal na teacher sa kanya. Tsk.tsk.
Lumabas mula sa kwarto si Samantha suot ang madugo dugong white mini dress na halos pang araw araw na nyang suot. Nakaramdam agad ng takot ang teacher nya at di makapaniwala sa tuturuan nya.
"Hello po...................................." bati ni Samantha habang nakatalukbong ang kanyang mahabang buhok sa buong mukha.
Bigla na lang namatay ang mga ilaw na ikinabigla ng guro at ng magbukas ang ilaw ay katabi na nya si Samantha.
"Kayo po ba si teacher?" Sa puntong iyon ay di na maipaliwanag ng guro ang takot na naramdaman nya sobrang takot nito na kulang na lang ay atakihin na sya.
BINABASA MO ANG
Living With The Bad Boys
Teen FictionKakayanin kaya ni Samantha na tumira sa iisang bahay kasama ang mga lalaking pinakakinasusuklaman nya.. Bad boys with a white lady like her?! [Edited]