Una: Cha
"Hi! Ako nga pala si Cha, short for chaka. Ewan ko nga sa nanay ko kung bakit chaka ang pinangalan ng nanay ko.Hope you call me cha dahil kung hindi babasagin ko ang lahat ng itlog niyo...... sa bahay! that's all thank you." Feeling namin first day ng skul kasi may substitute teacher kami kasi nanganak yung adviser namin.
"uhhhm.. What's your favorite motto?" Tanong ni Sir. Oo Sir na bata at guwapo kaya naman kumikinang lahat ng mata ng mga malalandi sa classroom.
"Think Green! Think Green po sir!" nagsitawanan naman lahat ng mga kaklase namin.
"why?" tanong ni Sir.
"kasi po nainspire ako dun sa motto ng DENR tsaka UN kaya ayun I'm thinking Green right now!" pagupo ko ay hindi pa rin nawawala ang tawa ng mga kaklase kong anglalaki ang bunganga. tsss.
--
"Okay.. To start with our lesson. Matanong ko kayo anong favorite fruit niyo?" tanong ni sir ng nakangiti.
"Pa-Kwan!" sigaw ng mga kababaihan at mga bakla. I wonder ano bang meron sa pakwan at favorite nila yun.
Tumingin ako kay Tyler, Gosh! ang guwapo niya talaga. Katabi niya ngayon ang kontrabida sa buhay ko si Ara. Mukhang maganda ang pangalan ng bruha pero Ara short for ChARArat. Kung makapaglandi naman kay Tyler parang ang ganda-ganda niya I bet maitim kili-kili niya.
"Kuya Tyler! pahiram naman ng ballpen.." ugh! may pakuya-kuya ka pang nalalaman obvious naman na nilalandi mo siya.
"O. Ibalik mo sa akin yan mamaya ha."
"Salamat talaga kuya Tyler!" at ang bruha yinakap ang braso ni Crush. Ahas siya! Ahas!
*Boooogssh!*
napatingin naman lahat sa akin dahil bigla kong sinapak ang table ko. Kamukha kasi ni Ara punong-puno ng butas ang mukha kaya ayun nasapak ko. Wish ko lang mukha niya talaga.
"Yes Cha? Any problem?" tanong ni Sir.
"a.. wala po." gusto ko lang talagang ihulog ang mga malalandi sa bulkang mayon.
------
"Go Tyler!" sigaw ng malanding Ara sa basketball game nila tyler. psssh. wala akong pake sa malanding yan kaya itinuon ko na lang ang pake ko kina tyler. Hawak-hawak ko ang bola. Ako kaya kailan ko mahahawakan ang bola ni Tyler? Yung bola niya dun sa bahay nung nanalo sila sa interschool kayo naman.
"ahihihihi.." natawa ako sa naisip ko.
"Psshh.. baliw." sabi ng baklitang Ara. pshh.
"Go Tyler! Pag nanalo ka hahawakan ko yang balls mo!" tumingin naman lahat ng tao sa bleachers sa akin.
"EEEwww." sigaw nilang lahat. Pero ang kalakasan eh kay Ara kasi ang bunganga sinlaki mansanas.
"tse! inggit lang kayo!" Sigaw ko. Tumingin naman sa akin si Tyler and his face was 'UGH' pero kahit na ganun Guwapo pa rin ang cras ko. ihihihihi feeling ko nga nawewet ang panty ko eh....... dahil sa umupo ako sa basang bleachers kayo naman.
Nakita kong pumunta si Tyler dun sa belachers. Kinuha niya ang water bottle niya at uminom. Pakshet! ang hot tingnan. Napakagat labi ako, Paano kaya kapag water bottle na lang ako? Para kahit isang saglit ay dadampi ang labi ni Tyron sa akin at papawiin ko ang uhaw niya? K. korni.
Pagtingin ko dun sa labasan ng........ gate, eh nakita ko ang aming adviser na may kasamang lalake.
and O my Jizz! Ay wait wrong spelling, ano ba tong autocorrect ng wattpad ngayon. I mean, Oh my Geez! Ang guwapo! Kasing guwapo ni Tyler!
"Kiyyyyyyyyaaaaaaaaaaaaahhh!" nagmumukha na akong timang sa pagsigaw ko.
"huh?" napatingin naman silang lahat sa akin.
"Ang landi ni Ara!" sabi ko kasi nakita ko siyang pinunpunasan yung likod ni Tyler ko.
----
what a corny start! haha! anyway inenjoy ko namang isulat :D
BINABASA MO ANG
Ang Kwento ng Greenminded
ChickLitWalang taong Bastos. Green minded lang ang meron.