TWO HEARTS

13 0 0
                                    


"She is suffering from mild Alzheimer's Disease and we all know na walang lunas sa kanyang sakit"

"Is there a possibility na lumala pa ang Alzheimer's niya?"

"Mabagal ang proseso dahil bata pa siya but yes, from time to time lumalala ang Alzheimer's ng isang taong meron nito lalo na kung hindi healthy ang utak nito. And the worst part there is, it can lead to death. Brain death to be specific."

Biglang nanlumo ang dalagang kanina pa nakikinig sa usapan ng kanyang kapatid at ng doktor. Nang marinig nito ang yabag papunta sa kanyang kwarto ay dali dali itong humiga sa kama at nagtalukbong ng kumot.

"Alam kong gising ka, Heart" marinig niya lang ang boses ng kanyang kambal ay nag-uunahan ng tumulo ang kanyang luha hanggang sa naririnig na rin ang malalakas nitong hikbi.

"Shhh. Tahan na, Heart. Hindi matutuwa si Marcus kapag nalaman niyang nagkakaganyan ka." Hinimas himas nito ang likuran ng dalaga uoang patahanin sa kanyang pag-iyak ngunit hindi manlang ito tumigil kahit ilang segundo.

"Sabihin mo, Gio. Ano bang naging kasalanan ko para parusahan ako ng ganito ng Diyos? Naging mabait naman ako eh. Pero bakit? Bakit ako pa?"

"Hindi mo dapat kinukwestiyon ang Diyos. Alam mo, na ang lahat ng nangyayari sa atin ay may dahilan. Alam kong malalagpasan mo rin ito, Heart. At alam mong kasama mo ako sa lahat ng laban mo." Niyakap ng binata ang kanyang kapatid na patuloy pa rin sa kanyang pag-iyak.

Lumipas ang dalawang linggo at nagpatuloy sa pagpapabalik balik ang dalaga sa hospital para sa kanyang weekly check up. At tulad ng narinig niya noon ay palala ng palala ang pagkalimot niya sa mga bagay-bagay.

"Aren't you aware sa pwedeng mangyari sayo kapag hindi ka pa bumaba diyan sa kinatatayuan mo?" Napalingon ang dalaga sa taong bigla na lamang nagsalita.

"Aren't you aware na hindi tama ang makiusyoso sa buhay ng tao lalo na kung hindi naman kayo close?" Panggagaya ng dalaga rito at muling ipinagpatuloy ang paglalakad sa ibabaw ng railings.

"Alam mo, Miss. Gusto naman kasi talaga kitang pabayaan diyan sa ginagawa mo pero kasi baka maging suspect ako kapag---- Miss!" Biglang napatakbo ang binata palapit sa railings ng makitang sumala ang paa ng dalaga sa pagtapak nito.

"Shit! Kumapit ka ng mahigpit!" Pinilit ng binata na muling maitaas ang dalaga sa rooftop. Hindi nagtagal ay nakahinga na rin ng maluwag ang dalawa ng tuluyan ng maibalik ng binata ang dalaga sa patag na lugar.

"I told you, it's dangerous." Hinihingal na sabi ng binata sa dalagang malalim pa ring humihinga dahil sa takot.

"Sa-salamat" matapos sabihin ng dalaga ang salitabg iyon ay tumakbo na ito palabas ng rooftop. Ni hindi man lamang ito nakapagpaalam sa binata. Habang ang binata naman ay iiling-iling na bumalik sa loob ng hospital.

"Saan ka na naman ba nanggaling, Skyler?" Bungad ng isang babae na may maarteng pananamit. Hindi naman ito pinansin ng binata at nagpatuloy lang sa paglalakad patungo sa kanyang higaan.

"Are you not going to answer me, Skyler?" iritableng sabi ng dalaga sa binata ngunit hindi pa rin ito pinapakinggan ng binata bagkus ay iniisip nito ang dalagang nakita niya sa rooftoo kanina.

"Ok, fine! Wag mo akong kausapin! At sisiguraduhin kong mas lalo kang mahihirapan sa paghahanap ng donor mo!" Kahit anong pagsigaw ng dalaga sa binata ay wala pa rin itong kibo kaya naman iritado itong umalis ng kwarto, nakasalubong pa nito ang papasok na binata.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 16, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TWO MATCHED HEARTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon