Prologue

219 3 0
                                    

"Andrea , sinaktan niya ang kaibigan mo." Sabi ng bakla kong kaibigan

Napatayo ako sa narinig ko."Ano? Sino ang may gawa?"

Hindi ko hahayaan na masaktan ng sinumang lalaki ang kaibigan kong si Ivy.

Siya na lang ang dahilan kung bakit nabubuhay pa ko dito sa earth na'to .

Nakita kong nanginginig sa takot si rence, ang baklita kong kaibigan dahil siguro sa boses ko at mga mata kong nanlilisik.

"S-si ..."

"Sabihin mo na dali!!!!" Nanggigigil talaga ako kapag nalaman kong nasasaktan ang kaibigan ko.

"Si Ellie Tan.."

Pagkatapos ko marinig yun mula kay rence... Sa pangalan pa lang nag-iinit na dugo ko. Nagtaasan ang red blood cells ko isama niyo pa ang white blood cells.

"Hayop!!! Nasaan siya??? Kakalbuhin ko yun..." Lalabas na sana ako kaso nakita ko na paparating si ate Tricia. Ang pinuno namin sa Anti-Tan.

Nandito pala kame sa loob ng isang bakanteng room sa school. Dito nagtitipon lahat ng mga Anti-Tan.

"Anong nangyayari dito?" Sigaw ni ate Tricia.

"Ang magaling na si Ellie Tan... Sinaktan niya ang kaibigan kong si Ivy. Lalampasuhin ko yun.."

Susugod na talaga ako kaso pinigilan na naman ako ni ate Tricia. "No, wag mong daanin sa dahas ang paghihiganti, Andrea." Sabi ni ate Tricia sa akin habang nakangiti ng nakakaloko.

Alam ko ang ganyang ngiti." So ano gagawin ko sa ugok na yun ate?"

Nagsearch siya kay google at tinayp ang how to break the heart of king cassanova.

Pagkatapos nun, humarap siya sa akin at ngumisi. "Alam ko na Andrea.. ang tanging paraan lang na magkaganti ka sa kanya ay saktan ng husto ang puso niya, wasakin ito sa pira-piraso."

Bigla naman akong natakot sa idea ni Ate Tricia. Parang kinakabahan ako.

"A-ano yon?" Tanong ko.

Tumingin ng matalim saken si Ate Tricia. Nangingilabutan ako sa tingin niya. Parang gusto ko na yatang mag-evaporate.

"Seduce him."

"PERFECT!!" Bigla naman nag-apiran ang dalawa kong kaibigang bakla. Si Rence at Renzy. Hindi ko alam na nandyan rin pala ang isa pang baklita sa tabi ko.

Matagal bago nagsink-in sa utak ko ang sinabi sa akin ni ate Tricia. Napatayo ako out of the blue.

"What? Hindi ko kayang gawin yan." Tutol ko. Kaya pala kinabahan ako sa tingin ni ate Tricia kanina.

Alam niya na isa akong tibo o Lesbian hindi nga lang ako nagsusuot ng mga accessories na panglalaki o damit at isa pa alam din niya na kinasusuklaman ko ang lalaking yun.

"No. Gagawin mo yun. Diba, gusto mo maghiganti sa hinayupak na yun? So.. Ang gagawin mo lang naman ay e-seduce siya. Yun lang ang tanging paraan, Andrea"

"Yeah. Correct ka diyan, ate.." pagsang-ayon ni Rence.

"Tama ka diyan, day! Magandang plano yan. Seducing the king of cassanova operation."

Nagtawanan sila. Nanlumo ako. Kaya ko bang gawin ito? Para kaseng isang araw lang makasama ko ang lalaking yun. Hindi ko na kaya. 

Pero napag-isip-isip ko, para naman 'to sa kaibigan ko. Ako lang ang gagawa ng bagay na yun wala nang iba. Siyempre, sino bang babae ang gugustuhin maging syota ni Tan at saktan sa huli?

Siyempre, wala na. Natuto na ang ilang kababaihan sa mga ginagawa ni Tan.

Wala akong magawa kundi sundin ang ipapagawa ni ate Tricia. Kung alam ko lang naman na iyan lang ang tanging paraan para makaganti sa mokong na yun.

Kahit na feeling ko masusuka ako. Kakayanin ko pa din alang-alang sa bestfriend ko.

"Sige na nga.. I will seduce the king of cassanova."

**

Seducing the King of Cassanova.

Action >>>>

Seducing the King of CassanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon