Siyam na Letra na imposibleng mapansin mo.
Salita na ako lang ang nakakaalam Hindi ko pwedeng sabihin sayo dahil ayokong sirain ang pagkakaibigan na binuo nating dalawa.
Pagkakaibigan na akala ko hanggang dun lang pero nagkamali ako,
Dahil ang akala kong kaibigan lang ay iniibig ko na pala.
Hindi ko alam kung paano ito nagsimula pero sa aking pagtulog ikaw ang nasa isip.
Na sa bawat paggising ko text mo agad ang hinahanap ko.
Bakit!Bakit ganito ang nararamdaman ko, nasasaktan ako kapag may kausap kang ibang babae , na kahit alam kong tropa mo lang kagaya ko.
Selos na ba to o sign na mahal talaga kita , pero bakit eh! Kaibigan lang kita "magkaibigan lang tayong dalawa"
Siguro nga nasasaktan ako kasi Mahal na kita!
Mahal na kita kasi iba ka sa mga nakilala ko,pinaramdam mo ung mga bagay na wala sa iba.
Sa tuwing tayo ay magkasama ang aking mga ngiti ay abot tenga ,
pero hindi ko pwedeng ipakita kasi ayokong isipinmo na mahal kita ,
Na kahit alam ko sa sarili ko na yun ang totoo.
Ayokong masira ang pagkakaibigan na meron tayo,
Kaya kahit nasasaktan na ako ay tinitiis ko pa rin.
Tinitiis ko na hindi masaktan , pero sabi ng isip ko "tama na" ngunit ang puso ko at patuloy pa rin sa pagtibok.
Patawad!Patawad kasi minahal kita , kahit alam kong malabo na mahalin mo rin ako.
Oo!Mahal mo ako pero bilang isang kaibigan lang.