Prologue

14.7K 90 7
                                    

Ang story na ito ay bahagi lamang ng malawak na imahinasyon ng author. Anumang pagkakatulad nito sa pangalan, pangyayari sa ibang kwento sa tunay na buhay ay nagkataon lamang. Hindi ito pwedeng ikalat o kunin ng walang pahintulot ng author. Thankies.

****

Walang gustong magturo kay Autumn, sa nakababatang kapatid na lalaki ni Summer. Matigas ang ulo nito at sobrang kulit na naging dahilan para palagiang ipatawag ang Mommy nito sa office at kaayawan nito ang eskwelahan.

Walang magawa ang Mommy nito kung hindi patuuran na lang si Autumn sa bahay. The problem is walang tumatagal na guro kay Autumn. Dalawang linggo na ang pinakamatagal at wala ng kasunod pa.

Kalat na kalat na kasi ang mga kalokohang pinaggagagawa ni Autumn sa mga guro na nagtuturo sakanya. May mga pagkakataon na nilagyan nito ng ipis ang bag ng gurong nagtuturo sakanya at iyong isang nagreklamo ay nilagyan raw ni Autumn ng bubble gum ang buhok nyang bagong rebond kaya nasira ang buhok ng guro. Iyong isa pang nagreklamo, ginawang drawing book raw ni Autumn ang mukha nya pagkagising.

Pinoproblema tuloy ni Summer kung sino pa ang lalapitan nya para turuan ang kapatid. Kahit malaking halaga na yata ang ibayad ng Mommy nya ay wala pa ring nagiging interesado.

Isang araw nagising na lang si Summer sa pugpog ng halik ni Autumn sakanya. Kahit na 18 years ang tanda nya dito, mahal na mahal nya ang kanyang kapatid dahil kahit makulit si Autumn sweet naman itong bata.

He is 7 years old. Menopause baby si Autumn na sa kagustuhan ng mga magulang na sundan si Summer ay inabot sila ng ilang taon pero hindi pa rin nawalan ng pag-asa ang mga ito at binigyan sila ng isang healthy baby boy (sa sobrang healthy napabayaan sa kusina) na si Autumn. Matalinong bata si Autumn pero dahil nagmana sya sa ate nyang si Summer may pagkaMALDITO ito.

"My big sister may teacher na ako." masayang sabi ni Autumn sa natutulog pang si Summer pero agad namang napabangon dahil sa sinabi nito. Naisip ni Summer na mawawalan na sya ng problema.

"Sino naman ang magta-tiyaga sa baby ko?" sabi ni Summer at kiniliti pa ang kapatid nyang si Autumn na halos mahulog na ito sa kama.

Napatigil si Summer sa pagharot sa kapatid nya ng may sumandal sa pinto ng kwarto.

"Hindi ka pa rin nagbabago."

Napanganga si Summer sa lalaking nagsalita. Para syang nakakita ng isang prinsipe, ang gwapo ng lalaking kaharap nya ngayon. She can't explain kung anong dapat na maging reaction nya but one thing is for sure, MAKALAGLAG NG PANGA ang lalaking kaharap nya.

"Your mouth my big Sister, I know my teacher is handsome but I'm even more handsome than him." Bulong na malakas ni Autumn kay Summer na ikinapahiya naman ng dalaga. Napatingin naman sya sa nakangiting lalaki at inirapan ito.

*>>>>>>>>>>

Paano ba aakitin ni Summer ang lalaking minsan na nyang sinaktan? Madaan kaya ni Summer sa pang-aakit ang puso ni Yuan? Would she win his heart after all? Paano kung mahuli na si Summer? Ipaglalaban pa ba nya ang pag-ibig sa lalaking minsan na syang minahal pero nagawa nyang baliwalain at saktan?


Seducing My Brother's TutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon