NAKALIMUTAN KO

18 1 0
                                    

Nakalimutan Ko

"Ok class, pass your assignments." wika ni Mr. Malakas.

"Klaire asan na yung' notebook na hiniram mo sakin?" tanong ni Alex sa kaibigang si Klaire.

"OMG! Nakalimutan ko dzai!" sagot nito habang napakamot ng ulo.

"Ano?! E pano yung assignment ko?"

"Ah e?"

"Sabi mo ibabalik mo kinabukasan kaya nag-expect ako na isasauli mo talaga kaya hinayaan kitang hiramin ang notes ko!" inis na sabi ni Alex sa kaibigan.

"Sorry Lex, naipatong ko kasi sa table ko kagabi. Hindi ko na naalalang ipasok kanina sa bag ko." sagot nito sa kaniya.

That time walang naipasang assignment si Alex.

After ng klase--

"Alex, I am so disappointed sayo!" turan ni Mr. Malakas.

"I'm sorry sir, kasi po--" hindi na siya natapos magsalita nang putulin ito ng kaniyang guro.

"What excuse are you going to say this time? Last time, sinabi mo na naformat ng kaibigan mo ang laptop niya thats why hindi mo naipasa ang project mo. Isang beses sinabi mo na naiwala ng kaklase mo ang lecture mo that's why hindi ka nakapagreview. I am so disappointed. You used to be the best student in this school, pumapangalawa lang sayo si Klaire. But look at you now, you're at the buttom and Klaire's on the top now."

Napayuko na lamang si Alex sa sinabing iyon ng kaniyang guro. Nang makaalis na ito pinuntahan niya ang kaibigan para sana kausapin pero--

"Klaire? Diba notebook ko iyang nasa loob ng bag mo?" tanong niya dito.

"Hu?" agad isinara ni Klaire ang kaniyang bag at itinanggi ang paratang ng kaibigan. "Hindi ah!"

"Sinungaling!" sabay hablot sa bag at dinukot ang notebook sa loob nito. "Klaire naman! Ano ba? Joke ba to?! Bakit mo ginagawa to sakin? Nakalimutan mo? Nakalimutan mo nalang palagi!?? Nakalimutan mo nga ba? Oh gusto mo lang maging number 1?" galit na tanong ni Alex.

"Oo, I want to be on top that's why lagi kong ginagawan ng paraan na maungusan ka kahit alam kong mali."

"Pero magkaibigan tayo, nakalimutan mo na rin ba? Ha!? Nakalimutan mo na nga siguro!" turan ni Alex sabay dampot ng kaniyang bag at agad na umalis.

Pagdating sa kanilang bahay--

"Andito na po--" hindi pa siya natapos magsalita ng sinalubong siya ng kaniyang ina ng masamang tingin.

"Alex naman, alam mo naman na mahirap lang tayo at kung hindi ka magsisikap sa pag-aaral mo at makakuha ng scholarship, hindi ka makakapagkolehiyo. Eto na nama't tumawag ang inyong guro, ikaw daw ay nagpapabaya na sa iyong pag-aaral. Ano ba naman!" bulalas ng ina.

Hindi umimik si Alex, pero bakas sa mukha niya ang labis na kalungkutan. Umakyat na lamang siya sa kaniyang silid at doon ay nagkulong.

Umiyak siya ng umiyak buong magdamag. Batid niyang ginawa niya na ang lahat pero sadyang malupit ang tadhana.

Kinabukasan--

"Alex, gumising kana diyan! Hindi ka na naman papasok?! Isa! Alex!" sa inis ng ina ay pwersahan niyang binuksan ang pintuan. Unti-unting dumaloy at luha sa kaniyang mga mata. "Anak? Nak, bakit? Naaaak, patawarin mo si mama." wika ng ina habang kalong ang anak na wala ng buhay.

Sa araw ng libing ni Alex dumalo ang lahat ng mga kamag-aral nito. Maging ang kaniyang mga guro ay nakiramay.
Lahat ay nagdadalamhati sa sinapit na ito ni Alex, lalong lalo na ang kaniyang ina.

"Maraming salamat po sa lahat ng tumulong sa amin at sa lahat rin ng mga nakiramay maraming salamat."

Ilang araw pa ang lumipas habang naglilinis ng silid ng anak nakita niya ang isang sulat na may kasamang booklet.

Nakalagay sa sulat--
Mahal kong Mama,
Salamat po sa lahat ng naging sakripisyo mo sa akin. Bagamat wala na si papa nagawa mo parin akong maitaguyod at maigapang ang aking pag-aaral. Patawad kung hindi na ako magiging guro gaya ng pangarap niyo sa akin. Pero batid ko na hahantong ako sa pagkakataong ito, pero sinigurado ko po na hindi kayo maghihirap sa buhay ngayong wala na ako. Sa booklet po na iyan nakalagay ang lahat ng savings ko sa bangko. Marahil ay nagtataka kayo kong saan iyang galing, huwag po kayo mag-alala ang lahat po ng perang iyan ay pinagtrabahuhan ko po. Lahat ng bakanteng oras ko ay iginugol ko po sa pagtatrabaho ng sa gayon ay hindi na po ako humingi ng pera sa inyo. Ma, gamitin mo iyang lahat para makapagsimula kahit wala na ako. Salamat po sa lahat, mahal ko po kayo.
Lubos na gumagalang, Alex.

Pumatak ang luha sa mga mata ng ina habang hawak hawak ang pinaghirapan ng anak.

"Patawad anak"

Huling post sa facebook account ni Alex:
[I forgot to breath, 'cause you've forgot that you are my support system.]

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 18, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SUICIDEWhere stories live. Discover now