Dear ikaw,
“Hi. Gusto kita.”
Sana ganun lang kasimpleng sabihin ‘yun. Di sana tayo na. Alam kong gusto mo ako. Sino naman ang di makakahalata? Palagi mo akong tinititigan pag dumadaan ako sa hallway. Gusto ko sanang itigil mo na ‘yan kasi natutunaw ako sa mga titig mo. Pero at the same time, ayaw ko rin. Kasi gusto kong ako lang ang nagmamay-ari ng mga tingin mo.
Naging magkatabi tayo noong First year. Alam mo bang nanginginig ako tuwing dadating ka na at uupo? Di ko kayang humarap o tumingin manlang sa’yo. Kinukuha mo kasi lahat ng enerhiya ko. Ang corny noh? Siguro ganun nga talaga pag gusto mo ang isang tao. Ngayon di ko na tinatawanan ang mga corny at cheesing mga tao kasi naiintindihan ko na sila. Hahaha. Haay. Kailan mo kaya aaminin sa akin na gusto mo ako. Ikaw nalang kaya ang hinihintay ko. Torpe mo kasi eh. Minsan nga iniisip ko kung panu pag ako nalang ang unang magtapat sa iyo? Pero nakakahiya, baka maturn off ka sa akin kasi babae yung unang nagtapat. Baka isipin mong patay na patay ako sa iyo. Ayoko ng ganun. Baka di mo na ako magustuhan. Kaya maghihintay nalang ako. Patience is a virtue naman diba?
Isang araw, sinadya kong ihulog yung lapis ko. Kinuha mo naman agad, Nakipagtalo ka pa nga eh. Sobrang cute mong makipag-away. Mas lalo tuloy akong nahuhulog sa’yo. Nang lumapit ka sa akin para ibalik yung pencil ko, nanigas ang aking buong katawan. Di ako makagalaw. Buti nalang nandito ang mga kaibigan ko. Kahit di ako nakakarelate sa mga pinag-uusapan nila, sige lang dada lang ng dada para di mo mapansin. Ayaw kitang harapin kasi baka mahulog na ako. Inabot mo sa akin yung pencil tas bigla nalang akong nakuryente. Alam kong ang OA nun kasi di naman nagtapat ang mga kamay natin, pero yung talaga ang naramdaman ko eh. At nagpasalamat nalang ako sa iyo ng di tumitingin.
Isang taon ang lumipas at parang napapagod na akong maghintay sa iyo. Parang unti-unti nang nawawala ang nararamdaman ko. Alam mo yun? Kinunumbinsi ko nga ang sarili ko na hindi, hindi ‘to basta basta nalang mawawala. Pero hindi eh. Nauupos na talaga siya. Kasi naman ang tagal tagal mo. At isang araw, nagising nalang ako na hindi na ikaw ang nasa isip ko.
Noong 3rd year, naranasan ko ang magkagusto sa isang guy ulit. Pangalan niya ay si Calvin. Senior siya at alam kong malabo na maging kami. Crush lang naman eh. Tuwing dadaan siya sa hallway, palagi akong napapatulala. Ang gwapo kasi eh! Pero sa likod ng mga mata ko, palagi rin kitang nakikita na nakatingin sa akin. Iniisip ko tuloy na sana di nalang nawala yung feeling ko sa iyo. Di sana ako nagpapatansya ng ganito kasi alam kong gusto mo rin ako. Kaso wala na akong magawa kasi nawala na eh. Torpe torpe mo kasi!
Papalapit na ang araw ng prom at may natatanggap ako na mga letter sa aking locker. Puro naman anonymous ang nakalagay. Nagpapatansya na naman tuloy ako na sana si Calvin nay un. Na sana kahit hindi man siya yung naglagay ng mga letters, sana yayain niya ako.
One week before the prom ay may natanggap na naman ako form Mr. Anonymous. Sabi niya gusto daw niyang makipagmeet. Pumunta naman ako sa sinabi niyang place. Ang dilim dilim nga eh. Bakit naman kasi gabi niya gustong makipagkita.
Nagulat nalang ako sa nakita ko. Di ko ineexpect, well actually iniexpect ko pero ang labong mangayari. Nakita ko si Calvin na nakaupo sa ilalaim ng buwan. Grabe ang gwapo niya kahit madilim. Bigla nalang siyang lumapit at hinalikan ako. Di na ako nagpumiglas kasi eto naman ang gusto ko di ba? Eto naman ang matagal ko nang pinagpapantasyahan di ba? Pero bakit di ako masaya? Bigla nalang kaming may narinig na ingay at tinigil niya ang ginagawa niya. Ginamit ko naman ang pagkakataong para kumawala sa kanya. Tinulak ko siya kasi parang di na tama, pero lumapit na naman siya at hinalikan ako. Pero din a gaya kanina na parang kalma lang. Ngayon, agresibo na. Pinili kong makawala pero malakas siya. At nangyari sa amin ang di dapat mangyari.
Dumating ang araw ng prom. Ayaw ko ngang pumunta kasi makikita ko na naman siya. Pero kailangan kong maging malakas at harapin siya. Kailangan niyang magbayad.
Dumating ako sa venue at siya agad ang nakita ko. Nakikipaghalikan siya sa mga babae. Pagkatapos niyang gawin sa akin ang lahat ng ‘yon, makikita ko lang siyang makikipaglandian sa ibang babae?! Leche! Sinugod ko siya at sinampal. Di ko na nakayanan kasi naaalala ko na naman ang nangyari noong gabing ‘yon. Gusto ko siyang bugbugin, patayin, pero alam kong di tama ‘yon.. Naramdaman ko nalang na unti-unti nang tumulo ang luha sa aking mga mata. Tumakbo ako agad dahil ayaw kong makita niya na iniiyakan ko siya. Pumunta ako sa isang sulok at umiyak ng umiyak.
Bigla nalang may lumapit sa aking isang lalaki. Akala ko si Calvin pero ng marinig ko ang boses, ikaw pala. Tinanong mo ako kung bakit ako umiyak, pero di ako sumagot dahil wala akong lakas para sabihin sa ‘yo ang totoo. Niyakap lang kita at niyayang lumabas. Sa labas sinabi ko nalang sa iyo na di niya ako sinipot kaya umiiyak ako. Pero alam ko na alam mo na ngayon kung bakit. Sa pag-uusap natin, napaisip na naman ako. Sana naghintay nalang ako sa iyo, di sana masaya ako ngayon kasi alam ko na rerespetuhim mo ako, mamahalin at pasasayahin. Sana naman kasi sinabi mo na noon sa akin na gusto mo ako. Agad na agad talaga kitang sasagutin. Di ko na napigilan at hinalikan na kita sa pag-aakalang maibabalik nito ang nararamdaman ko para sa iyo.
Pero hindi rin pala.
Sa mga sumunod na araw, di ko na alam kung ano ang gagawin ko, nalaman ko kasi na buntis na pala ako. Wala na akong mukhang maihaharap sa mga magulang ko, sa mga kaklase ko, sa iyo. Sirang-sira na ako dahil sa demonyong iyon. Isa nalang ang naisip kong paraan para mawala na lahat ng paghihirap na ‘to. Sana ay mapatawad ako ng lahat lalong lalo na ikaw. Sana mapatawad mo ako sa lahat lahat. Salamat at nakilala kita. Di man tayo nakatakda para ngayon, sana ay sa susunod, tayo na. Paalam Arkin.