Reminders lang po. Amatuer po ang nagsulat kaya asahan na po na nagkalat ang typo-error. First timer po kase kaya pasensya na po sa mga makikitang mali sa kwento. Pero sana magustuhan nyo po. Lubos na gumagalang, Bryan L Bobiles ❤
"7TH STREET"
written by BRYAN L BOBILES1.
"Mukang uulan." sabi ko sa sarili ko habang nakaupo dun sa tabi nang daan malapit dun sa poste ng ilaw samay 7th street.
Makulimlim kase e. Wala kong makitang mga star. Sayang naman. Ngayon pang ang dame-dame na namang gumugulo sa utak sa mga oras na to.
Wait nga! Anong oras na nga ba?
Nang tingnan ko kung anong oras na. 11:57 na pala. Hala! Kanina pa pala ko nakatambay dito.
Wala e. Wala naman ako makausap sa mga oras na to kundi ang mga bituin na absent naman ngayon at tong mga basang damo sa likod ko dito sa kantong to.
Di naman kalayuan ang bahay ko mula dito. Samay 8th street lang naman ang bahay ko dito sa lumang subdivision na to. Sing luma nang buhay ko. Na sa sobrang luma, napag iiwanan na. Hayst. Napabuntong-hininga lang talaga ako sa mga bagay-bagay na umiikot-ikot sa utak ko.
"Lord..." sabi ko habang nakatingin sa makulimlim na gabi. "Ano ba talaga plano mo sa buhay ko? Talaga bang habang buhay na lang ba kong staff ng isang convinient store? May pinag-aralan naman ako. Di nga lang graduate, pero pwede na yun. Bigyan mo naman ako nang magandang trabaho oh." saglit akong napaisip. "O, kung di magandang trabaho... Kahit matinong boyfriend na lang na di manloloko at mang gagamit."
Pakyu ka, Benji!
Ewan ko ba naman sa mga lalakeng nakikilala ko. Oo aminado ako, di ako maganda. Pero matino akong babae. Masipag. Madaling pakisamahan. Medyo may kabaliwan nga lang, pero okay na ko e. Wala nang hahanapin pang iba. Medyo may hika nga lang bahagya pero pang laban na to. Pang dayuhan na kaya ako.
Naisandal ko na lang ang sarili ko habang ikinalso ang dalawang kamay sa semento para makasandal ako nang maayos.
Pero shet! Bigla akong kinilabutan.
Sa tagal kong nakatira sa Sunflower subdivision. At sa gabi-gabing ako lang ang umuuwi mag isa. Never pa kong naka experience nang mga... alam mo na, yung mga kababalaghan ba. Pero sa pagkakataong to. Tae! Alam ko ako lang mag isa dito sa eskenitang to pero... kaninong kamay tong nakahawak sa kamay ko.
Dahan-dahan at takot na takot kong ibinaling yung tingin ko dun sa kung sinuman yung katabi ko samay gawing kanan ko. At nanlaki pa lalo ang mga mata ko nang maaninag ko palang na may tao sa tabi ko.
Di ko pa man din nakikita nang buo ay napasigaw na ko sa takot.
"TANG INA MOOOO!!!" at mura na ko nang mura. "TANG INA MO KA!!! PAKYU KA!!!" sabay bigla akong inatake nang hika ko. Oh shet! "Di ako makahinga." Tae. Dito pa ata ako mamamatay.
"M-miss? Miss okay ka lang?" bigla akong nilapitan nung taong nakatayo sa harapan ko habang nakasalampak na ko sa semento. At nang maaninag ko. Lalake sya. "Huy? Anong nang yayare sayo? Miss? Okay ka lang?"
"I-inha-haler ko..." sabi ko na akala mo hapong-hapo sa paghinga. Pero ganun naman talaga nangyayare saken ngayon. Bwiset tong lalake na to.
"I-inhaler mo? B-baket? May asthma ka? May asthma ka ba ha?"
"KUNIN MO NA LANG PUKING..." pasigaw ko nang sabi pero di ko talaga kaya at hinahapo na ko. Siraulo ba namang lalake to. Alam na ngang hinihika na ko, tanong-tanungin pa ko. Kung di ba naman tagilid utak nito.
BINABASA MO ANG
7TH STREET (one-shot story)
FantasyDalawang tao na nagtagpo ang mga landas sa iisang lugar. At yun ay ang eskenita sa kanilang subdivision na 7th Street. Pero pano kung malaman nila na may hiwagang nababalot sa eskenitang yun. At sa hiwagang yun ay mabubuo ang isang magandang pagkaka...