[A/N: I'M GLAD THAT 7 PEOPLE ALREADY READ THIS STORY. I'M REALLY REALLY THANKFUL TO YOU. WHOEVER YOU ARE. GOD BLESS. PLEASE CONTINUE READING THIS UNTIL THE END. ~ cupiditox]
**
"Ah, ito, si Raffienno, you can call him, Raf." pakilala ko kay Raf sa kanila.
Maraming lumapit kay Raf at nakipagkamay, habang yung mata ko, nakatingin dun sa dalawa, masayang tumatawa si Isla at Jeremy, Akalain mo yun? Tumatawa si Jeremy?
"Hoy!" gulat sakin ni Shaun. "Type mo?" tanong niya sakin.
Napakunot naman noo ko.
"Sino??" at halata saking mukha ang pagtataka.
"Si Jeremy, mukhang isip na isip ka habang tinitingnan mo sila ah." pagpapaliwanag ni Shaun.
Ang issue din nito ah, kung siya nalang kaya pumalit sa issue maker. Ano raw?? Issue maker???
"Hindi no, nililigawan ng kuya ko si Isla. Tinitingnan ko lang, kung bagay ba si kuya at siya." sagot ko naman sa paliwanag niya, kahit walang tanong, sinasagot eh no??
"Sus, Yang si Isla at Jeremy, trust me. Never magkakatuluyan. Ayaw ni Jeremy sa flirty, Nakikita mo lang na nagkakasiyahan sila, baka kasi siguro may nakakatawang sinasabi yang si Isla, pero trust me, Isla starts the convo, not him. And you just say, Isla and your brother? Good luck Ger. That would be a mess." sabi niya at tinapik ako sa balikat tapos lumapit na siya sa mga kasamahan niya na nagsstretching na.
May banta, pero san nanggaling yun??? Hello, i didn't know, Isla is flirt????? Tumingin ulit ako sa kanila saktong umalis na dun si Jeremy at lumapit na sa mga kateam niya at nakistretching nadin. Ito namang si Isla, lumapit kay Raf.
Kaya lumapit ako ng konti, makikinig lang no. Hindi ako chismosa ha, slight lang.
Tumingin ako sa nagsstretching, pero nakikinig ako sa usapan.
"How old are you?" tanong ni Isla kay Raf.
"I'm 18." sagot ni Raf na parang walang gana makipagusap. Pero infairness di ako tinatawag ni Raf HAHAHA
"Saan ka nakatira sa Japan?" tanong ulet ni Isla. Ano ba girl, ayaw nga makipag-usap sayo. Ano baaaa, take the hint.
"Shibuya." sagot ulit neto na parang bored na bored na talaga.
"Gaano kayo kaclose ni Ge--" naputol ang sasabihin ni Isla dahil pinutol siya ni Raf.
"Why are you so interested with my personal life? I don't like people like you. Masyadong maintriga." panira ni Raf sa kanya.
Gusto ko humarap para tingnan yung reaction ni Isla pero di ko magawa kasi basta. Baka mahalata na nageeardrops ako. Nakakahiya naman pagganun.
"Germaine. Tapos na kami magstretching." humihingal na lumapit si Karl.
"Sige, 3 mins water break, then titingnan ko skills niyo. Pipili narin akong first 6, para puro practice game nalang bukas, since bukas ang last practice. Lets give a good shot today, para medyo chill lang bukas. Gets niyo ba?" pahiyaw kong sabi.
Lahat naman sila ay sumagot na Oo, kaya pumunta na ako sa inuupuan nina Raf. Tahimik lang silang dalawa.
"Raf, Isla, Okay lang ba kayo? Tahimik niyo?" ngiti ko sa dalawa. Kunyare wala akong alam kanina.
Plastic ba tawag dun? Hindi naman siguro.
"Okay lang hehe, nakulitan yata sakin kaya nasigawan ako." ngiwi ni Isla tapos ngumiti sakin.
YOU ARE READING
True Love Awaits
FanfictionA kathniel fan fiction story and somehow related to my experiences in life. hehe Sana magustuhan niyo, I-like and i-vote niyo po. Salamat.