PROLOGUE

52 2 0
                                    

Someone's POV

"It's nice to have you as a partner Lord Calvin" Saad ng matandang lalaki na kasalukuyang ka meeting namin ngayon. Nakalahad ang kamay niya sa harap ng boss namin pero malamig lamang niya itong tiningnan. Napansin ng matanda na walang balak si boss na makipag kamay sa kanya kaya tumayo siya ng tuwid at tumikhim. "We shall leave now boss" Bulong ko sa kanya kaya agad itong napatingin sa gawi ko gamit ang malamig niyang mga mata. Napa-buntong hininga na lamang ako at sinenyasan ang mga kasama namin.

Tumayo nasi Boss mula sa pagkakaupo niya kaya ganoon din ako. Yumukod ang matanda ganoon din ang mga kasamahan niya. "We'll go ahead Mr. Nakashige" I said to the old man then my boss already take his step to go outside the Conference Room. We followed him until we reached the parking lot. "Sandro you know what to do" Malamig na saad sakin ni Boss at alam ko na kung ano ang pinahihiwatig nito. "Masusunod boss" Saad ko at kinuha ang phone ko mula sa aking bulsa. Agad kong tinipa ang numero ng tauhan namin at binigyan ng go signal. Pag kapasok pa lamang namin sa sasakyan ay narining ko ang isang pag sabog at naramdaman ang pag yanig ng lupa hudyat na naisagawa ang inuutos ni Boss. "Let's go" Malamig na turan niya kaya agad na pinaandar ng kasamahan namin ang sasakyan.

"How's our transaction with Lord Dwight?" Boss Calvin asked. "Kasalukuyan niya pang pinagiisapan Boss" Sagot ko at inabot ang mga papeles sakanya. "That old man, I'm getting impatient" Malamig na saad niya at muling binalik sa akin ang mga papeles. "You now him boss. Hindi siya basta-bastang pumapayag" Untag ko sakanya. "Tss.." He hissed. Napa iling nalang ako at sumadal sa kinauupan ko.

Ito ang buhay ng isang Mafia lahat ay gagawin para umangat at maging maka pangyarihan. Gumagawa ng labag sa batas pero hindi napapansin ng gobyerno ito dahil ilan sa kanila ay kasapi sa mundong ito. Pinag tatakpan ng ibang may posisyon sa gobyerno dahil nakiki nabang din sila. Sa panahon ngayon lahat ay nabibili ng pera pati ang buhay mo ay kayang bilhin nito.

Nang makarating na kami sa HQ ay agad kaming dumiretsyo sa lugar kung saan namin plinaplano at pinag uusapan ang susunod naming mga hakbang.

Kilala ang grupo namin sa tawag na Hellhound. Para kaming mga lobong handang sumakmal kung naaagrabyado kami at niisa wala kaming sinasanto sa propisyon namin sabi nga nila 'Trabaho lang' Pero hindi kami kumikitil ng buhay basta basta dahil kung halang ang bituka mo pwes mag tago kana dahil di mo nalang inaasahan na nakatumba kana pala.

Lumingon sa gawi ko si Boss at sinenyasan ako upang mag umpisa na. "Now let's start to Plan again guys" Pagsisimula ka kaya agad silang sumeryoso. Nag umpisa na akong ipaliwanag ang susunod naming plano at kung ano ang mga taktikang gagamitin namin kung sakaling mag kaabirya sa transaksyon. Lumingon ako sa gawi ni boss ng matapos akong mag paliwanag. Nakita kong tumango ito ng bahagya hudyat na sumasang-ayon siya. Tumayo siya mula sa pagkakaupo niya at inayos ang tux na suot niya.

"Let's go"....









ChaosNote: Omo done with my prologue next na ang Chapter 1😘. Hope you'll support my work

The Mafia Boss Love (On Going)Where stories live. Discover now