Siya si Anna. Isang mag-aaral at may malaking pangarap. Siya'y nag-aaral sa isang pribadong paaralan sa isang maliit na siyudad. Ang tanging nilalaman ng kanyang puso ay si Bryan. Lumaki siya na may kaya sa buhay ngunit hindi siya lumaking spiled. Si Bryan naman ay isang college student na nag-aaral sa Maynila. Siya'y tanyag, mayaman, medyo may pagka-masungit, sarkastiko at ubod ng gwapo. Hindi maipagkakait na siya talaga ay GWAPO. Kay Anna at sa pamilya niya lang ata siya mabait. Mapag-alaga naman tong si Bryan sa kapatid niya at sa mga mahal niya sa buhay. Sensitibo rin ito kahit papano. Ang kanyang magulang ay nasa ibang bansa.
Nagkakilala si Bryan at Anna sa text. Oo, sa text. Dahil sa common friend nila na si Shy. Naging mabuting magkaibigan silang dalawa. Syempre, hanggang text lang sila dahil malayo sila sa isa't-isa.
"Anna, may lagnat ako." text ni Bryan. Habang naglalakad naman si Anna papuntang school. Nag-worry siya agad nung natanggap niya yung text ni Bryan.
"Uy Bryan!!! Sayang naman wala ako jan. :( Uminom ka ng gamot ha. Wag ka masyado gumalaw. Naku! Lagot ata ako kay Shy nito." reply ni Anna. Si Shy kasi nun at si Bryan ay mag-MU. Okay lang yun kay Anna dahil wala pa naman siyang nararamdaman nun para kay Bryan. Kaibigan niya lang talaga si Bryan nun. Sinabi niya ito sa sarili dahil playboy pa si lalake noon.
"Kayo naba ni Shy?" tanong ni Anna kay Bryan.
"Hindi ah. Magkaibigan lang kami nun. " reply naman nito.
"Kaibigan o KA-IBIGAN? Kala ko ba kayo?" reply naman ni Anna.
"Never! I have a girlfriend at this moment and I think, I love her." sagot ni Bryan.
"Ikaw talaga bestfriend! Kahit kelan ang playboy mo! Di talaga ako mahuhulog sayo." pero nakaramdam si Anna ng konting kirot pag-pindot niya dun sa send button. Inlababo na ata si Anna kay Bryan pero ayaw niyang mangyari ito. Sa tagal na nilang magkaibigan at sa pagkakilala niya kay Bryan, ayaw niyang masaktan.
Itinulog niya nalang lahat. Ayaw niyang mainlove sa playboy niyang kaibigan!!!
Kinaumagahan, nagising siya sa missed call ni Bryan. "Bat naman kaya nag-missed call tong mokong na to!" sabi ni Anna. Inis na inis dahil gusto pa nitong matulog.
"Anna kasi!! Tatawag ako. May ikekwento ako sayo! Dali!!" text ni Bryan sabay tawag naman nito ulit."
"Hello?" sagot ni Anna.
"Uy Anna! Ano bang dapat ibigay sa first date? White o red roses?" pagtatanong ni Bryan with excitement.
"Aba eh ewan ko!!! Pero mas maganda parin ang red roses. Classy and elegant. Chos!" patawang sagot ni Anna. Pilit na tinatago ang selos.
"A osige! I have to go bestfriend-consultant! Bye!" at binaba agad ni Bryan ang kabilang linya.
"Gago talaga yan!!!" Inis na sabi ni Anna. "Di man lang mag-thank you!!!"
YOU ARE READING
Forever? (On Going Series)
Teen FictionGinawa ko po ito during Physics class. Yung next part naipit dun sa Physics notebook ko. ABANGAN niyo po! :) PS: Medyo true to life story po ito. :)