STPG ♥ 41

54K 749 53
                                    

Gino's POV

 

"Can't you come nearer to each other?!" inis na tanong samin ni Ms. Huddson.

Letche. Nagpapractice kami ng sayaw ngayon para bukas. Bukas na kase yung Mr. & Ms. Pacific Blue University. Ang bilis no? Pero para saken ang bagal nun. Ang tumal ng oras pag magkaaway kayo ng taong mahal mo.

 

"Im sorry, Miss. Hindi na po namin uulitin." hinging paumanhin ko na lang.

"Again? Napansin niyo bang pang ikatlong araw niyo ng sinasabi sakin yan? Ganyan din kayo these past few days. Are you two in good terms?"

Tinignan ko ang Prinsesa. Nakayuko lang maya maya tumingin siya saken. Pero iniwas ko din agad yung tingin ko, mahirap na baka kase hindi ko siya matiis.

Haiy. Bakit ko nga ba siya iniiwasan? Iniiwasan ko siya hindi dahil ayoko na. Iniiwasan ko siya dahil ayokong maguluhan siya sa nararamdaman niya. Ayokong masikipan siya saken na laging nakabantay sa kanya.

Ano bang alam ko sa kung anong meron sa kanila ni Quen? Tss.

"Ahmn, Miss. Aayusin na po talaga namin. No need to worry for tomorrow's performance."

Tinignan lang kami ni Miss bago ulit nagsalita. "For whatever are going on you two, be sure to make it up all right. It can affect your performance for tomorrow's contest." at saka siya pumunta sa harap.

Nag umpisa ulit na tumugtog yung tunog na sasayawin namin. This time hindi na kami ganun kalayo -pero malayo pa rin- bahala na kayo umintindi basta hindi kami ganun kalapit sa isat isa. Sapat na yung distansiya para makasayaw kami.

Buong sayaw ni hindi ko siya tinignan. Gusto ko kaseng magconcentrate at baka pag tinignan ko siya hindi ko na magawa yon.

11 AM.

 

"You may take your Lunch now. Be sure to be back before exactly 1 PM. Pagtapos kase ng Lunch niyo maghapon tayo dito." paalala ng isa sa mga Fac. Member bago sila umalis lahat.

Bumalik ako sa lagayan namin ng bag at Inayos ko na yung gamit ko.

Dapat sana kasabay ko si Kiko, ang kaso sinabihan ko siya na si Prinsesa ang sabayan para hindi malapitan ni Quen. Buti naman pumayag siya, shemre pa treat ko food niya. Adik na pinsan.

She's The Princess GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon