Hi

5 0 0
                                    

Good morning!

Bigla na lang akong nagising, bigla ko kasing narinig yung  boses ng taong minamahal ko, "hoy". Bigla akong napatingin sa paligid ko, akala ko kasi andiyan lang siya pero wala pala.

Iba talaga, pag siya na lang lagi ang iniisip mo, siya na lang laman ng isip mo.

Haaaayy, ang sarap kasi isipin na sana balang araw ikaw na yung mahal niya, yung tipong kayo lang magkasama, ang saya saya siguro no. Nasa isang lugar lang kayo, tahimik, walang maingay, mga tawa at boses lang niya naririnig mo, yung tipong habang ng kwekwento siya, tinititigan mo lang siya, pinagmamasdan yung maamo niyang mukha. Yung nakahawak siya sa kamay mo, yung yakap yakap ka niya, na halos ayaw mong bumitaw, na siya na lang yung parati mong kasama. Yung tipong hahalikan ka niya sa pisngi at malapit na sa labi mo, yung naaamoy mo yung mabango niyang hininga. Gusto mo kayo na lang yung parating magkasama, parati magkatabi sa pagtulog, na paggising mo sa umaga, boses niya yung naririnig mo. Amoy niya yung naamoy mo. Yung time na nagpapacute siya sayo, then parang naiinis ka rin pero deep in side, gustong gusto mo rin pala yung ginagawa niya.

Ang sarap siguro mabuhay kung mangyayari iyon. Pero parang malabo na na mangyari ang mga bagay na yan. Makuntento na lang siguro ako sa kaka-isip sa kanya. Mahal na mahal kita. Ikaw lang tanging mamahalin ko.

Mahal ko.

Mahal kita.

Hi My Dream LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon