Sumunod lang ako kay Uhna. Ang sabi niya pupuntahan raw namin si Ser; Munisson para raw makapag sorry ako at maki pag pakilala. Strikto at hindi daw tumatanggap ng kahit na anong excuse raw si Ser; Munisson.
Agad na pumasok kami sa MAPEH DEPARTMENT. Nag good morning muna kami para naman hindi nakaka bastos.
"Sino ang hanap?" Agad na tanong saamin ng isang lalakeng hindi katangkaran at medyo matanda na rin. Tiningnan namin siya at nginitian.
"Si Ser; Munisson po." Sagot ni Uhna duon sa lalake. Nilapitan niya kami at itinuro gamit ang hintuturo niyang daliri kung nasaan si Ser; Munisson.
Tumango kami ni Uhna sakanya at pumunta na kung nasaan ang teacher ko sa MAPEH.
Pag karating namin sa Table ni Ser. Nakita namin siyang mahimbing na natutulog nakita rin namin ang laptop niyang na sa power point pa. Napangiti ako sa itsura ni Ser. Parang si papa, kahit sobrang pagod na tinatapos pa rin ang trabaho.
"Tulog pa si Ser. Mababastos natin siya kung gigisingin natin siya sa mahimbing niyang tulog" nakatingin pa rin ako kay Ser ng sabihin yun kay Uhna.
Ibinaling ko ang atensyon ko sakanya at nakita kong tumatango-tango siya.
"Oo nga. Mukhang na pagod mag jumping Jack kanina." Pag sang-ayon niya. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Hindi naman nag jumping jack si Ser ehh.. Yung mga classmates ko lang" Pagtatama ko sakanya. Nginitian niya ako at para bang nag pipigil ng tawa.
"Ah. Hindi ba? Sorry" yun na lang ang nasabi niya dahil mabilis niyang tinakpan ang sariling bibig. Narinig ko ang mahina niyang hagikhik at parang walang nangyaring tumingin ulit siya saaken.
"Ang weird mo. Promise" nakakunot noong sabi ko. Nginitian niya lang ako at tumalikod saaken atska sinumulan maglakad palabas ng Department. Napailing na lang ako sa inasal niya.
Sumunod na lang ako sakanya nagpasalamat muna ako sa mga teacher sa loob at nag paalam.
Lumingon ako kay Uhna dahil kanina pa niya ako kinakalabit. Siguro nahihiya rin sa mga teacher.
"Oh?" Nakaharap kong sagot sa mga kalabit niya. Kumunot ng matinde ang noo ko ng makita ko si Romeo sa likod niya at worst kasama pa yung mga alipin niya! Ano ba naman yan!
"Tititigan mo na lang ba? Sunggaban mo na! Hahahhaha!" Malakas na tawa ng kalbo niyang alipin. S-sunggaban? Ano yun?
Binaling ko ang atensyon ko kay Uhna. Nakita Kong nakatingin lang siya duon sa isa sa mga alipin ni Romeo. Mas lalong bumilis ang kaba ko ng ma realized kong na rito pa kami sa tapat ng MAPEH Department. Ba ka ma guidance kami nito!
"Uhna. Tara na" kinalabit ko rin siya para mapunta saaken ang atensyon niya. Para namang wala sa sariling tumango siya at nagpa unang naglakad.
Susunod na sana ako ng may maramdaman kong may humawak sa braso ko. Ang higpit! Ah!
"Ano ba! Masakit!" Pagpupumiglas ko kay Bastos! Walang modo! Nananakit nang walang permiso!
Tinitigan niya ako at mas hinigpitan pa ang pag kahawak sa braso ko. Hindi na talaga ako natutuwa!
"Hindi pa tayo tapos Czarina. Hindi ko hahayaang maging masaya ang pag pasok mo dito sa campus." Madiin niyang sabi. Pagkatapos niyang sabihin ang walang kwentang yun! Marahas niyang binitawan ang braso ko at parang walang nangyaring pumasok ng tahimik sa loob ng Department.
Napalunok ako ng mawala na siya sa paningin ko. Gustong gusto ko siyang sapakin! At ipamukha sakanya na hindi niya ko pwedeng kalabanin! Walang hiya yung lalakeng yun! Hindi ko hahayaang manalo siya sa larong gusto niya! Isa talaga siyang malaking peste!
YOU ARE READING
Kiss by the Innocent Girl (Generation Series #1)
FanfictionCzarina, who jailed in a mansion of her parents. Tulad ng isang prinsesa. Hindi alam ni Czarina ang labas ng kamunduhan, ang reyalidad sa labas nito. Bahay.. school.. bahay.. school.. Lumaki siyang dalawang lugar lang ang napupuntahan bantay sarado...