"Hindi ko kayo binabayaran para gumawa ng walang kwentang commercial video na ganito, wala na ba kayong maisip na iba? Paano natin mahihikayat na tangkilikin ng mga tao kung ganyang ka walang kwenta ang mapapanood nila? " sigaw niya sa mga empleyadong nagpiprisinta sa harapan niya.
"pare relax paano tayo makakapagplano ng maayos kung ganyan ka" ngising sagot naman ni Kiko. "Lumabas na lang muna kayo, papalamigin ko muna ang ulo ng boss niyo." ngisi pa ring sabi ni Kiko.
"tumahimik ka, baka gusto mong ako ang magsumbong sa mama mo kung gaano ka kababaero at kung ilang babae ang dinadala mo sa condo mo. " sarkastikong sagot naman ni Phoenix.
"Hoy pare walang ganyanan, good boy ako sa mata ng mga magulang ko. " tarantang sagot naman ng pinsan. "Pumunta na nga lang tayo sa bar, doon tayo magpapalamig."
NAKARATING sila sa bar ng kaibigan, habang nakaupo natanaw niya ang isang babaeng halos ukupahin na ang buong dancefloor na sa bawat dulo ng kanta ay sinisigaw niya.
Gonna love myself, no, I don’t need anybody else
"Hey!!!"
Gonna love myself, no, I don’t need anybody else
"I love me!!!!!"
Can’t help myself, no, I don’t need anybody else
Anytime that I like
"I love me!!!!"Hindi naman namamalayan ni Phoenix na napapangiti siya sa bawat sabay ng dalaga sa kanta. Maya maya lamang ay biglang may lumapit na lalake sa kinaroroonan ng dalaga.
"Ano ba?! GO AWAY!!" sigaw niya sa lalakeng nakahawak sa tagiliran niya.
"I know you like it, nagpapakipot kalang. Come on, continue dancing" sabi naman ng lalake
"Di kita bet kaya alis!!!!! " sigaw naman niya sabay tulak sa lalake
"Miss wag ka ng pakipot alam kong gusto mo rin to, dalawa dn naman tayong makakabenipisyo dito eh." at mas lalong hinigpitan ng hawak sa bewang ng dalaga.
"I bet she already told you that she doesn't want to dance with you." kalmadong saad niya sa lalake.
BINABASA MO ANG
COMING BACK TO HER
RomanceIniwan niya ako. Iniwan niya ako dahil sa kapabayaan ko. Sinira ko ang isang relasyong kanyang binuo at pinatatag pero gagawin ko ang lahat para bumalik siya sa akin at ipagpapatuloy namin ang aming pangarap na panghabangbuhay na magkasama.