Si Amor Mactan ay isang magandang babae na may kaya sa buhay. Pati sa Pag-ibig masasabi niyang napakaswerte niya dahil boyfriend lang naman niya ang gwapo at yummy na CEO ng one of the leading hotel sa Pilipinas, si Mike Dela Flores.
Halos limang taon nang magkarelasyon sina Amor at Mike bago mapagpasyahang magsama nalang manirahan sa condo unit ni Mike na siya ring pag-aari niya.
Sa simula palang ng relasyon nila, sinabi na ni Mike ang kanyang kondisyon na walang kakayahan mag-kaanak at tanggap naman 'yun ni Amor. Hindi naging hadlang ang kondisyon ni Mike sa kanilang pagsasama.
Paano kung sa kanilang pagsasama ay magkaroon ng milagro. Panagutan kaya ni Mike si Amor kapag nabuntis niya ito o iiwan ito sa pagkakaakalang nagtaksil ito.