One

7 0 0
                                        

SEULGI

First day of school, Papasok palang kami kaso late na late na talaga kaya napagpasyahan namin na di na pumasok at mag cutting nalang hahahaha. Nandito kami ngayon sa computer shop at naglalaro ng LOL. Tinanghali kasi kami ng gising dahil nagkaroon kami ng konting inuman kagabi kasama ko si Lisa at Moonbyul, mga tropa ko. Kasama ko sila sa dorm malapit sa bagong school na papasukan namin. Oo nagdodorm lang ako, mas gusto ko yun kasi free ako at hindi bantay sarado ng mga magulang ko. Bagong transfer kasi kami sa school na yun at tinatamad kami pumasok dahil wala pa kami kakilala. Tinransfer kasi kami dahil may kalokohan kaming ginawa sa dati naming school. Itinakas kasi namin yung girlfriend ni Lisa na anak ng may ari ng dati namin school, kinick out tuloy kaming tatlo dahil dun. Ayaw kasi kay Lisa nung parents ng girlfriend nya. Dahil homophobic ang mga ito. Pero kahit ganun hindi ako nagsisisi na tinulungan ko si Lisa. Best friend ko to eh gagawin ko lahat matulungan lang sya.

"Tang ina guys, di ako mapakali ilang weeks ko na di nakikita girlfriend ko" ani ni Lisa at nilingon kami ni Moonbyul.

"Gusto mo puntahan na natin sa bahay nila? Itakas natin ulit" Tanong ni Moonbyul na nag alis ng headset sa tenga. Ako naman na nakatingin lang sa kanilang dalawa ay nag isip.

"Di pwede mga gago. We can't do that. Alam nyo yan." Tugon ko.

"Ano gagawin ko? Ni isang message wala ako natanggap galing sa kanya. Mababaliw na ako seul!" Seryosong sabi ni Lisa.

"Huminahon muna at mag isip. Di tayo pwede magpa dalos dalos ulit na tanga ka. Baka sumablay ulit." Sabi ko na sinang ayunan naman ni Byul habang tumatawa.

"Samahan nyo nalang ako pumunta sa bahay nila, di natin sya itatakas promise. Gusto ko lang sya makita. Malaman ko lang na maayos kalagayan nya ayos na ako." Sabi ni Lisa. Hays sobrang whipped kasi talaga to sa girlfriend nyang si Rosé. Tangina dami daming babae sa komplikado pa talaga napunta best friend ko. Baliw na baliw talaga si tanga.

Siniko ako ni byul at sumenyas na pag bigyan na namin si Lisa. Di ko naman to matitiis si Lisa eh. Kahit baliw to sa pag ibig best friend ko oa din to.

"Tangina mo manoban ha, Wag kang sasablay ulit dito. Yare tayo gago." Sabi ko at tumayo na.

Nagsitayuan na din sila at nagmamadali si Lisa na yumakap sa akin at humalik sa pisngi ko

"thank you mahal ko kaya labs kita eh" sabi ni lisa sabay takbo palabas ng comshop.

putangina gago talaga

"Tangina kadiri ka gago!" sigaw ko sa kanya habang hinahabol sya palabas. Sumunod naman sa amin si Byul na tawa ng tawa. Nung naabutan ko si Lisa sa labas ng kotse nya binatukan ko sya "Nag kamot sya ng batok at sumakay sa kotse niya na tumatawa. Pumasok na din ako at umupo sa tabi nya.

"Gago ka Lisa ayusin mo to baka sumablay ka ulit at ipatapon kana ng tuluyan nila Tita sa Thailand." Sabi ko na hinihingal at biglang pumasok naman si moonbyul sa kotse at umupo sa likod.

"Ayie mamimiss mo kasi ako pag pinatapon ako sa Thailand, Ayie mamimiss ako ng mahal ko" Asar nya sakin

"Di kita mamimiss pag pumunta ka don ulol hatid pa. kita don ngayon" Tugon ko

"Pero seryoso lisa ayusin mo na to wag kana gagawa ng kung ano ano baka mapa hello thailand ka ng wala sa oras" Singit ni Byul habang hawak ang cellphone.

"Oo naman byul, di ako papayag na ipatapon don. Lalo ako mapapalayo sa bebe ko." Ani ni Lisa na nireready na ang kotse at pinaandar papunta sa bahay nila Rosé.

"Mama at Papa ni Rosé bebe mo" Asar ko sa kanya na natatawa sinamaan nya lang ako ng tingin at sinabeng "Punyeta ka talaga sulgeh"

Busy naman sa likod si Byul nagcecellphone. Kachat na naman siguro girlfriend nya. Yes. Ako lang walang jowa sa amin taena napaka unfair ako naman pinaka gwapo ako pa walang jowa pota.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 21, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Complete Opposite Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon