6

20.7K 445 12
                                    

Marina's Pov

"La sige na kasama naman namin si Mat eh"Pagpapaalam ko kay Lola

"Kahit na Marina , Kita mong walang alam yan dito si songsuda tapos ipapasyal mo na paano kung mawala yan"Sabi ni Lola habang naghuhugas ng plato

"La naman edi isasama ko si tiffany para naman apat na kami please La may pera naman ako eh di na ko hihingi sayo "Pagpipilit ko

"Hayy sige na basta siguraduhin nyong makakauwi kayo ng maayos "Mahinahong sagot ni Lola na ikinatuwa ko

Dali dali ako tumakbo sa kwarto para sabihan si Song na maligo na

"Song?"Tawag ko sa kanya

"Uhm?"Lingon nya

"You ano take ligo ligo "Sabi ko habang may action pa na kunyari ay naliligo

"why?"Takang tanong nya

"We are going in perya faster song im next to you !"Tsaka ko sya tinulak pababa at sa banyo umakyat ako ulit at hinanda yung damit na susuotin ko at damit na binili ko kanina siguro naman ay bagay sa kanya kahit simple lang yung damit

Bumaba ako at nagbilin kay lola na bigyan ng tuwalya si Song paglabas nya sa Cr tsaka ako lumabas

"Bespren okay ba suot ko?"Taas baba ang kilay nya

"Oo lagi ka namang gwapo "Ngiting sabi ko

"T-talaga?"Namumula nyang sabi

"Oo"Lapit ko sa mukha nya

"Ehem"Rinig ko sa likod nya

"Tiffany!"Tawag ko tsaka sila lumapit ng kasama nya pero di ko kilala

"Mukhang busy kayo dyan ah "Nakakalokong tumingin si Tiffany sa amin

"Loko nagbibiruan lang kami ,Teka sino yang kasama mo ?"Ngiting tanong ko

"Ah Gi-K-kaibigan ko si Kim"Sabi ni Tiffany tsaka ako tumingin kay Kim na nakatingin sa malayo

"Ah hi Kim !"Tsaka ko sya nginitian

"Hi Kim"Bati rin sa kanya ni Mat

"Hi "Ngumiti sya pero tipid

"Uhmm Kim Si Mateo , Mat nalang tsaka si Marina , Ina na lang "Turo sa amin ni tiffany

Nag ngitian lang kami , teka si Tiffany ay taga bayan din , nagkakilala kaming dalawa nung isang buwan ewan ko ba basta tumatakbo sya papunta sa dagat at ayun kinausap ko at nagkakilala kami tsaka mas matanda sya sa amin nila Mat ng dalawang taon .Pero mas gusto nyang tiffany or tiff lang ang itawag namin sa kanya kaysa ate .

"Tara na ba ?" Ngiting tanong ni Mat

"Di pa ako naliligo "Kamot ulo kong sagot

"Bat di ka pa naligo ?"Tanong ni Tiff

"May isasama sana ako sya muna pinaligo ko tara pasok muna tayo "Ngiti kong sabi tsaka sila pumasok sa loob

"Uhmm dito muna kayo ah "tsaka ko sila pinaupo

"La nasan na si Song ?"Tanong ko kay Lola pag punta ko sa kusina

"Nasa kwarto na nagbibihis "Sabi nya

"May bisita pala ako la nasa labas "Sabi ko kay Lola tsaka sya inaalayan

"Ganun ba bigyan mo na ng meryenda "Sabi nya tsaka umupo

Stay With Me (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon