Chapter 2: Paso

13 1 5
                                    

MELCHOR

"Melchor!"

"Melchor!"

"Melchor!"

Napadilat ako ng mga mata. Nakiramdam muna ako sa paghinga ko bago bumangon. Bakit ang ingay? At bakit parang may umuugong?

Pagbukas ko ng pinto ay nabigla ako sa tumambad sa akin. Bumabaha ang bakuran ng bahay at sa gitna roon ay nakatayo si Aling Ising na siyang tumatawag sa pangalan ko.

"Aling Ising ano pong nangyayari?" Lumapit ako sa kanya. Sinugod ko ang malamig na tubig at napatakip nalang ako ng bibig nang makitang sa pipe ng tubig nang gagaling ang ugong na naririnig ko. May malaking tipak roon dahilan para bumulwak ang napakaraming tubig.

"Eh hindi ko alam." Humarap ang matandang ali sa akin. "Basta paggising ko iyan na ang nadatnan ko. Tawag ako ng tawag sayo kanina pa hindi ka naman bumabangon e."

Napakamot ako sa ulo.

"Iho kailangan mong ayusin iyan agad dahil kung hindi..."

Lalaki ang babayaran ko at sayang ang tubig.

"Hindi ako makakaligo. Magkikita pa naman kami ng jowa ko ngayon." Bulalas ni Aling Ising dahilan para magsitayuan ang mga balahibo ko.

"Seryoso? Eh bakit naman ho?"

"Anong bakit?" Tanong ng matanda na parang na-offend. Parang mali yata pagka-intindi niya sa tanong ko.

"Ang ibig ko pong sabihin, bakit hindi kayo makakaligo?"

"Eh hindi dumadaloy ang tubig papuntang bahay dahil sa nasira nga iyan." Paliwanag niya.

Ngayon naalala ko na. Konektado pala sa iisang pipe ang mga quintador namin ni Aling Ising.

"Naku Aling Ising kakailanganin ninyong maghintay dahil hindi po ako marunong umayos niyan. Kailangan po nating tumawag ng tulong mula sa water district." Sabi ko. "Pero kung gusto niyo talagang maligo na, makiligo nalang kayo sa bahay ng anak ninyo."

"Hesus puryasantisima Melchor. Huwag na. Maghintay nalang ako dito hanggang sa maipaayos mo iyan." May diing sagot ng matanda pagkatapos ay nag-walk out. May mababaw o malalim na  dahilan kung bakit ganoon ang sagot niya. Hindi sila magkabati ng nag-iisa niyang anak. Nagjo-jowa pa kasi itong si Aling Ising kahit 72 years old na at hindi pabor ang anak niya dito. Nonetheless wala na akong paki sa problema nila.

Arhg! Kailangan ko nang tawagan ang water district agad. Baka maging swimming pool na itong bakuran ko.

Hindi nagtagal dumating na ang maintenance team ng water district. Inayos nila ang sirang pipe at ako naman ay nagluto ng agahan. Pagkatapos kong magluto ay lumabas ako para tingnan kung naayos na ba nila. Gusto ko nang maligo.

Nadatnan ko ang apat na tao na patuloy parin sa paggawa sa trabaho nila.

"Hindi parin ba tapos?" Mahina Kong tanong. Baka kasi isipin nila na pinamamadali ko sila.

"Kunti nalang." Sumagot ang isa sa kanila. Pero hindi ito lumingon. Pamilyar ang boses niya at kinutuban ako bigla.

"Anong sabi mo?" Tanong ko para makuha ang atensyon niya.

"Ang sabi ko..." Dahan-dahan siyang lumingon at pareho kaming nabigla nang makilala namin ang isa't isa.

"Mel?"

"Mark?"

Napanganga ako sa mangha. Hindi ako makapaniwala. Sa hinaba-haba ng panahon hindi ko aakalaing magkikita pa pala kami.

Our StoryWhere stories live. Discover now