Niyakap ko ang boyfriend ko. Ang sweet sweet niya talaga. Ito ang pang-7th monthsary namin at hinarana niya lang naman ako sa dorm namin. Napuno pa ako ng tukso mula sa mga dormmates ko. Kilig na kilig sila sa ginawa ni Carlo.
Sobrang saya ko at umabot kami ng 7th monthsary. Sabi kasi nila kapag lumagpas ng 6 months ang relasyon ninyo ay asahang may paatutunguhan ito. At sa loob ng 7 months na kami ni Carlo ay bibihira ang pagkakataon na mag-away kami. Kapag nagkakatampuhan ay sinusuyo niya ako.
Mabait si Carlo, at iginagalang niya ako bilang babae. Ni minsan hindi sya nagtangkang mas palalimin sa halik ang ginagawa namin. Matibay ang control nya sa sarili. At lalo ko syang minahal dahil dun.
“I love you Babe.” Buong pagsuyong wika ko. Hinalikan naman niya ako sa pisngi.
“I love you too.” Nakangiti niyang tugon. “Tayo lang forever.” Abot-tainga ang ngiti ko sa sinabi niyang yun. Tumango-tango ako sa pagsang-ayon. Magkaholding hands kami habang nakaupo sa couch sa loob ng kwarto ko sa dorm. “Ikaw ang magiging misis ko. At ako ang mister mo. Gagawa tayo ng isang buong pamilya. Ilang anak ba gusto mo babe?”
“4 babe! Masaya kapag marami.” Napahagikhik ako.
“Ayaw mo ng isang dosena para may soccer players tayo?”
“Ang dami naman!” Natatawang reklamo ko.
At ang kulitang iyon ay nauwi sa kilitian. Ang saya namin sobra.
~*~
“Nabalitaan mo na ba?”
“Sila na daw ulit.”
Hindi ko mapigilang mapalingon sa mga estudyanteng nadadaanan ko sa corridor. Kanina pa sila ganyan. Sa tuwing dadaaan ako titingin sila sa akin at pagkatapos ay magbubulungan. Ayokong maging paranoid pero grabe hindi lang once kundi tatlong beses na akong pinagtitinginan at pinagbubulungan. Ano ba kasing meron? Bigla tuloy akong kinabahan.
BINABASA MO ANG
Love and Pain
Teen FictionNaranasan mo na bang makaapak ng pagkatao? Naranasan mo na bang magpaiyak? Ano ang pakiramdam? Masaya ba? Masaya bang makapanakit ng iba? Ano ang kahihinatnan ng mga maling desisyon sa pag-ibig? ITONG "LOVE AND PAIN" AY ISANG ONE SHOT COMPILATIONS N...